Kaminero naaagnas

Bandera (Visayas) - - NEWS -

ISANG 62-anyos na lalaki ang naaagnas na nang matagpuan sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Gregorio Reyes, dating metro aide, ng Mountain View, Filinvest 2 Subd., Brgy. Bagong Silangan. Bumisita si Noel Concon sa biktima alas-9 ng umaga. Matapos ang ilang katok ay pumunta na ito sa guwardya upang sabihin na hindi sumasagot ang biktima. Sinundan nila ang masangsang na amoy ay nakita nila ang bangkay ng biktima sa likod bahay. Nakasubsob ang biktima kaya maaari umano na ito ay nadulas.—Leifbilly Begas, Klariza Gabrido

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.