Leyte nilindol

Bandera (Visayas) - - NEWS -

NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 4.0 ang Southern Leyte kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang lindol alas-2:11 ng hapon.

Ang sentro nito ay tatlong kilometro sa kanluran ng bayan ng San Francisco. May lalim itong isang kilometro. Ang paggalaw ng tectonic plate sa lugar ang sanhi ng lindol.

Nagdulot naman ito ng Intensity III paggalaw sa bayan ng Limasawa.

Walang inaasahang aftershock at pinsala ang lindol na ito.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.