State-of-the art hospital sa Dasma

Bandera (Visayas) - - NEWS - —LB

ISANG taon nang nagseserbisyo ang Pagamutan ng Dasmariñas, isang limang palapag na state-ofthe-art public hospital na pinopondohan ng lokal na pamahalaan.

“We have been saving lives for a year now and we look forward to continue to do so with the support of our constituents,” ani Mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. “This public hospital is a hallmark that the City Government of Dasmariñas is committed in providing the best public service in terms of healthcare and wellness.”

Ang ospital ay sinimulang itayo sa termino bilang alkalde ni Jennifer AustriaBarzaga ngayon ay kongresista, noong 2012.

Itinayo ito ng Monolith Construction and Development Corp. at iginuhit ni Architect Jose Siao Ling. Umabot sa P480.7 milyon ang pagpapatayo sa ospital.

Bukod sa mga makabagong medical equipment gaya ng 1.5 Tesla Siemens Magnetic Resonance Imaging machine na nagkakahalaga ng P52.9 milyon at 16-slice Philips Computed Tomography scanner (P16.4 milyon), mayroong libreng wifi ang buong ospital. Mayroon ding itong helipad at napaliligiran ng CCTV.

Mayroong 121 bed capacity ang ospital kasama ang 20-bed Intensive Care Unit at anim na operating room theaters at mga delivery room at 10 incubators. Ang dialysis center nito ay may 15 hemodialysis machines at bawat higaan ay mayroong sariling telebisyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.