One-way ticket

Bandera (Visayas) - - NEWS -

saka lamang sila pauuwiin at maaaring hindi na pahintulutang makabalik pa.

Ngunit para sa mas maraming namumuhay nang ilegal na, sinasadya na nila iyon! Talagang gusto na nilang mamuhay doon hanggang sa maging legal ang kanilang kalagayan.

Maraming mga kababayan tayo ang hindi talaga umuuwi sa kanilang mga kapamilya sa Pilipinas, kahit pa mahigit 10 taon na o higit pang mga taon nang naroroon.

Titiisin nila ang pangungulila at umaasang magiging legal din naman siya at sa bandang huli, sa loob-loob niya, magkakaroon pa siya ng tsansang makuha ang pamilya.

Ngunit ang totoo, nagustuhan na nilang mamuhay sa abroad. Masakit man sabihin, pati na ang pag-iisa, natatanggap na nila at naiibsan ang kalungkutan sa bagong kapaligiran at mga kaibigan. Hindi na raw nila makita ang sariling nasa Pilipinas at nagsusumikap pa rin sa buhay sa kakarampot na sinusuweldo.

Hindi nila kayang iwan ang malaking halaga na kanilang kinikita sa abroad kung ikukumpara nga naman sa kanilang kinikita sa Pilipinas sa kaparehong trabaho.

Kung iyan ang kaisipan ng mga kababayan natin, one way ticket na nga lang ang dapat nilang bitbitin at wala nang plano pa na pansamantala lang silang magaabroad.

Pero ang nakalulungkot, habang naghihintay ng pagkakataon na makuha sana ang pamilya, sa paglipas ng panahon, nagkakaroon tuloy sila ng ibang pamilya doon at sa bandang huli, nagreresulta ito sa pagkawasak ng kanilang mga tahanan.

Ayaw na kasi nilang umuwi ng Pilipinas, kung kaya’t minabuti na rin ng ilan na bumuo na lamang ng isa pang pamilya sa abroad. Ginusto rin nila iyan! Walang puwedeng pumilit sa kanila niyan!

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.