4 NA ORIGINAL SANGGRE NG ENCANTADIA SANIB-PWERSA PARA SA CANCER VICTIM

Kris Bernal sa Impostora: Naiiyak na lang po ako sa sobrang hirap! Anak nina Janno at Bing engaged na

Bandera (Visayas) - - NEWS - BY JUN NARDO

HINANGAAN ni Iza Calzado ang pag-amin ni Wil Dasovich, former Pinoy Big Brother housemate, ang pag-amin nitong meron siyang cancer. Pinanood niya ang video blog nito nang ma-post ang link sa isang chat group na kinabibilangan ng aktres.

“I’m not sure if we’ve met before. I read the article and clicked on video and watched the video blog entry. It brought me to tears. His courage to share his story is admirable. He is funny and entertaining and his zest for life is contagious. His positivity in the face of adversity is inspiring and I felt like I had to do something to help him.

“So here I am, together with friends from Encantadia, sharing our Sanggre powers with you @wil_dasovich to reach 1M subscribers on your YouTube and beat cancer. So to everyone reading this, please subscribe to his YouTube account. Sending healing prayers, love and light to you, Wil,” panawagan ni Iza.

Nakasama ni Iza sa isang reunion ang dating co-stars sa unang Encantadia na sina Sunshine Dizon, Karylle, Diana Zubiri at direk Mark Reyes. Bukod sa kanya, nanawagan din ng dasal ang radio jock na si Joyce Pring at asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico.

Nakakaubos ng lakas para kay Kris Bernal ang gumanap ng dual role sa on-going GMA series na Impostora. Mabuti na nga lang daw, ‘yung normal na mukha na ang gamit niya sa dalawang characters dahil that time, dusa rin siya sa paglalagay ng prosthetics.

Gayunpaman, hirap pa rin siya sa "kambal" role dahil iba’t ibang emosyon ang kailangan niyang ilabas sa characters niya bilang sina Nimfa at Rosette.

“May mga oras na naiiyak na lang ako sa pagod. From 4 a.m. to 7 a.m. the next day, from Nimfa to Rosette, Rosette to Nimfa. Nakakabaliw ang papalit-palit ng emosyon,” pahayag ng Kapuso actress sa kanyang Instagram post.

Buti na nga lang daw, sulit ang hirap ni Kris dahil sa magandang ratings ng kanyang GMA Afternoon prime series.

Nganga pa rin ang AlDub Nation na makakita ng sweet moments ng idolo nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Japan.

As of presstime, tanging ang Eat Bulaga Dabarkads na kasama sa biyahe ang nakikita naming mga post sa IG. May picture si Meng pero kasama ang Dabarkads. Sa isang post naman ni Baeby Baste, tanging si Alden lang ang kasama niya sa pic.

Hiling naman ng isang netizen na miyembro ng ADN, hayaan na lang mag-enjoy ang AlDub sa biyahe nila sa Japan at huwag nang bahain ng requests ang EB Dabarkads sa kanilang IG na maglabas ng kilig moments ng kanilang mga idolo.

Engaged na ang panganay na anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na si Alyssa sa kanyang longtime boyfriend.

Isang surprise proposal ang ginawa ni Anton Cruz para kay Alyssa na naganap sa Mistral Point, Marouba sa Sydney, Australia, na sinasabing isa sa mga favorite place ng kanyang future wife.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Alyssa na, "He picked my favorite spot in Sydney. Little did I know, both our families (who flew all the way from Manila) were waiting to greet us after this! GREATEST. SURPRISE. OF. MY. LIFE!"

Narito ang reaction ni Janno na ipinost niya sa kanyang IG: "My @chiloyzagagibbs is now engaged! WTF!?? Hahaha! Kidding! @antoncruz surprised her with a proposal on her favorite spot in Sydney. Anton had asked mine and @bingloyzaga’s blessings way before our trip. Even his whole family came to Australia for this! With Chi having no clue whatsoever!

Sabi naman ni Bing, "And now I gain a son. Congratulations @chiloyzagagibbs and @antoncruz!"

IZA CALZADO WIL DASOVICH

ALYSSA GIBBS AT ANTON CRUZ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.