Heart Enemies

Bandera (Visayas) - - NEWS - Ni Gilda Olvidado

Ninerbiyos bigla si Charlene. “Ano? Islang nawawala kapag may tatlong araw na ulan?

Paanokungnandodoon tayo tapos hindi tayo nakaalis dahil masama ang panahon? Paano kung inabot tayo ng tatlong araw at nalubog ang isla?”

Napangisi ang piloto ng helicopter na kaibigan din ni Eric.

“Eh, de patay tayong tatlo.

Pero sana, bago ‘yon mangyari, paligayahin mo muna kami!” “Fabio! Huwag mo namang bastusin si Charlene!”

Sumaway nga si Eric pero nakangisi naman.

Pero game si Charlene.

Sanay na sa kahit anong klaseng lalake lalo na kung mga guwapo rin naman.

“Alam n’yo, ginipit n’yo ako sa pera, pinabayad ninyo ako ng mahal imbes na gawin n’yo na lang libre.

Kaya hindi rin ako manlilibre ng kaligayahan, sorry na lang kayo.”

Hagalpakan ng tawa ang dalawang lalaki.

“Ayan, umaraw na! Hindi sumunod sa atin ang madilim na ulap!” Excited na uli si Charlene na makalapag sa isla.

AYAW na munang umasa ni Dave na may dadating na makakakuha sa kanya sa isla.

Wala siyang ganang mamasyal sa napakagandang lugar.

Ni hindi lumabas sa yungib, nakahiga lang, inaalala ang buhay sa Maynila. Sa piling ni Laila. “I miss you so much, Lai.

Magkikita pa kaya tayo?

Posibleng nanganak ka na posible ring hindi pa ... my prayer for you is to be safe in delivering our baby.

At sana, ang baby natin ay magiging very healthy.

Sorry pero baka hindi na niya makikita ang Daddy niya.”

NAGLALAKADLAKAD sa garden si Laila nang pumutok ang kanyang panubigan.

Kalmado lang siya kahit nininerbiyos. “Tisya! Tisya!” “Ma’m?” Takbo naman kaagad ang katulong sa garden.

“Sabihin mo sa driver na ihahatid na ako sa ospital, manganganak na ako.

At pakitawagan mo kaagad ang Sir Nico mo. Ipaalam mo ito.

Alam na niya kung saang ospital ako pupuntahan.” “Ay, opo, opo! Manganganak na po kayo pero kalmangkalma lang kayo! Galing n’yo! Buti nang namatay si Sir Dave lumipat kayo agad dito sa Maynila, paano na lang kung nasa Singapore pa rin kayo, sino ang dadamay sa inyo?”

“Ang daldal mo, Tisya!

Ano ka ba, ikaw yata ‘tong natataranta kaya parang machine gun na rumaratrat ang bibig mo!

Tawagin mo na sabi ang driver natin ...” “Ay, amen! Tatawagin na po! Driver, driver, wer are yu?”

Napabuntonghininga na lang si Laila, kalmadong inilabas ang celfone niya mula sa bulsa ng kanyang maternity dress at siya na ang tumawag kay Nico. “Nic, it’s time.

Manganganak na ako.

O huwag kang magpanic. I’m okay.”

Itutuloy... LEGAL NOTICE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.