Kailan makapag-aasawa?

Bandera (Visayas) - - NEWS -

Sulat mula kay Lolitie ng San Vicente, Liloan, Metro Cebu Dear Sir Greenfield,

Magte-38 years old na ako sa darating na October 6. Ang problema ay wala pa rin akong matino at seryosong boyfriend.

Nagka-boyfriend na ako dati sa online, pero isang beses lang kami nagkita at hindi na ito nasundan. Nagde-activate na rin siya ng account kaya nawalan na kami ng communication.

Sa ngayon ay lagi akong nagdarasal nabago man lang ako umabot ng 40 ay magka-boyfriend na ako, makapag-asawa at magkaroon ng sarili pamilya dahil ang alam ko kapag tumatanda na ang isang babae ay mahihirapan nang manganak. Ano sa palagay n’yo magkaka-boyfriend pa kaya ako, makapag-asawa at magkakaroon pa kaya ako ng isang simple at masayang pamilya? At kung magkakaroon, kailan naman kaya ito mangyayari? October 6, 1979 ang birthday ko.

Umaasa, Lolitie ng Cebu Solusyon/Analysis: Palmistry:

Kapansin-pansin at kitang-kita naman ang kaisa-isa at magandang Guhit ng Pag-aasawa o Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Malinaw na tanda na kahit na umabot ka pa ng edad 40 pataas, wag kang mag-alala, darating at darating din ang saktong panahong ikaw ay magkaka-boyfriend hanggang sa tuluyang makapag-asawa. Cartomancy:

Queen of Clubs, Ten of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 2.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking mas malaki ang agwat sa iyo ng edad, ibig sabihin ay mas matanda sa iyo ng mga 5 to 10 years, ang iyong makikilala at magiging boyfriend sa taong 2019, sa edad mong 40 pataas.

Itutuloy...

MAGPAHULA na. Ipadala ang Xerox copy ng inyong kanang palad at bumunot ng tatlong uri ng baraha. Banggitin sa sulat ang nabunot na tatlong baraha. Lakipan ito ng Bandera logo with date at ipadala sa Super Horoscope, Bandera, MRP bldg. Mola st., corner Pasong Tirad st., Makati City, Metro Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.