PH di mabobokya sa Universiade

Bandera (Visayas) - - NEWS -

HINDI mabobokya ang Pilipinas sa Taipei Universiade 2017 na kasalu-kuyang ginaganap sa Hsinchu County gym sa Taiwan.

Ito ay matapos na magwagi si Jomar Balangui laban kay Isiah Ray Enriquez ng United States, 5-0, 3-0, sa kanilang wushu semifinal match ng men's sanda 52 kg event.

Makakasagupa ng 19-anyos na taga-Baguio na si Balangui sa gold medal match si Peng Yuan ng China na nanalo naman kay Seongji Byron ng South Korea, 5-0, 5-0 sa isa pang semis match.

Ang Universiade ay tinaguriang 'Olympics' of university athletes.

"This is another big achievement for our country. Win or lose by Jomar in the wushu final, we are already assured of a medal in Taipei," sabi ni Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) president David Ong.

"The wushu medal — be it a gold or a silver — will be a good addition to our gold medal in chess by GM Wesley So in the 2013 Kazan Universiade and the silver medal in taekwondo by Samuel Thomas Morrison in the 2011 Shenzhen Universiade."

Si Balangui ang tanging miyembro ng seven-man Filipino wushu team na nakapasok sa medal round.

Ang delegasyon ng Pilipinas dito ay suportado ng San Miguel Corp., Bestank at Garfield Sportswear.

Ang iba pang miyembro ng PH wushu team ay sina Erick Earl Pasno (men’s sanda/60kg); Kelly Marcelo (men’s sanda/70-kg); Elijah Sean Siy (men’s taolu -changquan); Gladys Sia (women’s taoluchangquan); Czarina Joy Hagos (women’s taolu- nanquan/nandao) at Abigail Faniega (women's taolu -jianshu/ qiangshu).

Ito ang unang pagkakataon na napabilang ang wushu sa Universiade sa loob ng 58 taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.