KAYAMANAN NI MAYOR KAKALKALIN

Duterte: Bahay ni Mabilog parang palasyo

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte ang lifestyle check kay Iloilo City Mayor Jed Mabilog na ayon sa Pangulo ay mala-palasyo ang bahay.

"Mabilog has sent word that he wants to talk to me. And I had some lifestyle check on him. His house is like a palace. Sabi ko, anak siguro talaga ito ng mayamang-mayaman," ani Duterte sa kanyang talumpati sa Malacanang matapos ang panunumpa ng mga pulis na na-promote sa star rank.

Kasabay nito, inatasan ni Duterte ang National Bureau of Investigaton (NBI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang umano’y kuwestiyonableng yaman ni Mabilog.

"‘Yung bahay niya talagang ipinasilip ko sa mga NBI pati BIR. It’s really a palace," dagdag ng Pangulo.

Nauna nang inihayag ni Duterte ang pagtatalaga kay Ozamiz City chief of police Jovie Espenido sa Iloilo. Inakusahan naman niya si Mabilog bilang isang protektor ng mga sangkot sa ilegal na droga.

"Despite the headway we already made against illegal drugs and criminality, our country is not yet safe from harm and danger. So, remain vigilant. Stay alert and be ready," ayon pa kay Duterte.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo ang kanyang suporta sa mga pulis sa patuloy na kampanya kontra droga.

"I repeat: Huwag kayong matakot diyang mga human rights, mga demanda, demanda. Gawin mo lang ang tamang trabaho mo. Follow the rules of engagement, follow the rules of performance of duty, and follow the rules of self-defense and I will go to prison for you," ayon pa kay Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.