Piskal na di patas kay Kian sibak

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - —Inquirer.net

INILIPAT ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Mandaluyong City ang kontrobersiyal piskal ng Caloocan na naging kontrobersyal dahil sa mga ipinahayag niyang laban sa napatay na Grade 11 student na si Kian delos Santos.

Inanusyo ni Aguirre ang pagkakasibak kay Senior Assistant City Prosecutor Darwin Cañete matapos niyang sabihin na ang Caloocan Prosecutors’ Office ang hahawak sa preliminary investigation kaugnay sa mga kasong murder at torture laban sa mga pulis na nakapatay kay delos Santos.

Nauna nang nabatikos Cañete dahil sa kanyang mga pahayag na kumikiling umano sa mga pulis na pumatay kay Kian.

Kilalang tagasuporta ni Pangulong Duterte si Canete.

Binatikos siya sa social media matapos sabihin na hindi maaaring maging inosente si Kian.

Naging kontrobersiyal din siya matapos magpost sa social media noong Hunyo 13 ng “YELLOWS are EVIL. You don’t talk to them, YOU KILL THEM. After you kill one, you find another to DESTROY. Like COCKROACHES.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.