8-taon kulong sa ex-Palawan governor

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

HINATULONG makulong ng anim hanggang walong taon si dating Palawan Gov. Joel Reyes sa kinakaharap nitong kasong graft kaugnay ng iligal na mining permit na ibinigay nito noong 2006.

Pinawalang-sala naman ng Sandiganbayan Third Division ang kapwa akusado ni Reyes na si Andronico Baguyo, mining operations officer IV ng Provincial Environment and Natural Resources dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Ang dalawa ay kinasuhan kaugnay ng pagapruba sa application for renewal ng small scale mining permit ng Olympic Mines and Development Corp., kahit na hindi pa paso ang permit nito upang makapagmina umano ng sobra sa 50,00 metriko tonelada na pinapayagan ng batas. —Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.