Cagayan nilindol

Bandera (Visayas) - - NEWS -

NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 5.1 ang Cagayan kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phovolcs), naramdaman ang lindol alas-6:08 ng umaga. Ang sentro nito ay 25 kilometro sa kanluran ng bayan ng Calayan. May lalim itong 30 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.

Walang inaasahang aftershock at pinsala ang paggalaw.

Naramdaman ang Intensity IV sa Calayan at Santa Paxedes sa Cagayan; at Pagudpod sa Ilocos Norte. Intensity III naman sa Sanchez Mira, Cagayan; Dumalneg at Baruyan sa Ilocos Norte. Intensity II sa Laoag City, Pasuquin, sa Ilocos Norte; Luna, Santa Marcela at Flor sa Apayao, at Intensity I naman sa Penablanca, Cagayan.—Leifbilly Begas INENDORSO ng 25 kongresista, kabilang ang apat na House deputy speaker, ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Inihain ni Atty. Lorenzo Gadon, dating abogado ni da-ting pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, ang 54 pahinang reklamo sa tanggapan ni House Secretary General Cesar Pareja pasado 6 ng gabi.

Bago matalakay ng House committee on justice ay madaragdagan pa umano ang mga nagendorso sa reklamo. Kung makakukuha ng 98 endorser (one third ng kabuuang bilang ng mga kongresista sa kasalukuyan) ay hindi na ito diringgin ng komite at maghahain na ng kaso ang Kamara sa Senado na siyang magsasagawa ng impeachment trial.

Sinabi ni Gadon na “matibay” ang kanyang reklamong inihain at sa mga susunod na araw ay mayroon pang mga pipirma.

Inireklamo si Sereno kaugnay ng hindi umano pagdedeklara ng totoo sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).

Kasama rin sa reklamo ang pagiging maluho umano ni Sereno ng bumili ito ng Toyota Land Cruiser na ipina-bullet proof, pagsakay ng business o first class, panunuluyan sa mamahaling hotel at pagpapabiyahe sa kanyang mga staff.

Inirereklamo rin ang pagdedesisyon niya sa mga bagay na dapat ay dumaraan sa en banc ng Korte Suprema,mabagal na pag-aksyon sa ilang resolusyon gaya ng paglipat ng kaso ng Maute sa labas ng Mindanao.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.