Pagbabalik sa Marcos wealth pinipigilan ng ‘superpower’

Bandera (Visayas) - - NEWS -

HINDI ito ang unang pagkakataon na nag-alok ang pamilya Marcos na isoli sa gobyerno ang mga gold bars na nasa kamay nito, pero mayroon umanong makapangyarihan bagay na humahadlang dito.

Sa isang press conference, sinabi ni Buhay Rep. Lito Atienza na nakausap niya noon si dating First Lady Imelda Marcos, ngayon ay Ilocos Norte congresswoman, ukol sa kanilang tagong yaman.

“When I was mayor (of Manila), sinabi niya 'Gusto kong ibalik yung gold dito at ibigay sa gobyerno yan para mabawi na lahat ng utang ng bansa natin’. Sabi ko, 'Why don't you do this?’ Sabi niya, 'Humahadlang ang isang superpower.' And you can confirm this with her. You can ask her,” aniya.

Sinabi ni Atienza na tinatayang 7,000 toneladang gold bar ang pinag-uusapan dito.

“Humahadlang ang isang superpower, hindi namin maigalaw ang gold na nakadeposito sa maraming lugar sa buong mundo.”

Umaasa si Atienza na magtatagumpay si Duterte upang mapakinabangan na ang bansa ang mga ginto.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.