Espenido, OIC ng Iloilo police

Bandera (Visayas) - - NEWS -

ITINALAGA na ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald Dela Rosa si Chief Insp. Jovie Espenido bilang officer-in-charge ng Iloilo City police. Ipinaliwanag ni dela Rosa na OIC ang designation ni Espenido dahil para sa isang highly urbanized area kagaya ng Iloilo ay kinakailangan na senior superintendent ang ranggo ng mamumuno. Ayon kay dela Rosa, kahapon niya nilagdaan ang kautusan kay Espenido. Sa kabila ng nilagdaang kautusan ay aminado naman si dela Rosa na nag-aalangan pa rin siyang ilipat si Espenido sa Iloilo mula sa Ozamiz City Police. Paliwanag niya, maraming residente ang tumututol sa paglipat kay Espenido dahil hindi pa umano tapos ang problema sa ilegal na droga sa siyudad. Idinagdag ng opisyal na kung siya lamang ang masusunod ay mas nanaiisin niyang manatili si Espenido sa Ozamiz. "Pero dahil sa presidential order at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-assign kay Espenido sa Iloilo ay wala na akong magagawa kundi ang tumalima," aniya.—Radyo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.