Lotto pot prizes nasa P200M

Bandera (Visayas) - - NEWS -

AAKYAT na rin sa P200 milyon ang inaasahang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa Huwebes.

Ang Ultra Lotto jackpot 6/58 naman sa Biyernes ay aabot sa P243 milyon.

Walang tumama sa winning number combination na 19-06-26-4333-40 sa bola ng 6/58 noong Martes. Umabot sa P237.2 milyon ang jackpot prize.

Nanalo naman ng tigP83,950 ang 16 mananaya na nakalimang numero. Tig-P2,030 ang 527 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 13,372 mananaya na nakatatlong numero.

Sa bola ng Super Lotto, wala namang tumaya sa winning number combination na 43-17-30-3210-47. Umabot sa P194.3 milyon ang jackpot prize sa bolang ito. —Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.