Aso dinukot; $150 ransom

Bandera (Visayas) - - NEWS - —AP

MICHIGAN, USA —Akala siguro ng isang lalaki na magiging pera na ang pagpunta sa kanyang bakuran ng aso ng kanyang kapitbahay.

Pero nagkamali siya dahil sa halip na magkapera kailangan niyangayonng pampiyansa para makalabas sa selda.

Sa halip kasi na magbayad ng ransom ang may-ari ng Pomeranian dog na kanyang kinidnap, pumunta ito sa pulisya at naghain ng reklamo laban sa kanya.

Naligaw umano ang asong si Cookie sa bakuran ng suspek. Sa halip na bugawin pa-labas, ikinulong niya ang aso.

Alas-2 ng hapon ng hanapin ng lalaking mayari ang kanyang aso pero hindi niya ito nahanap.

Nang magtatakip-silim na ay mayroong nakapagsabi sa babaeng biktima na mayroon siyang naririnig na kumakahol na aso sa kanyang kapitbahay.

Pumunta roon ang babae at kinausap ang suspek kung naroon ang kanyang pinakamamahal na aso. Kinumpirma ito ng suspek at si-nabi na pakakawalan lamang ang aso kung magbibigay sila ng $150 ransom.

Humingi ng tulong sa pulisya ang mag-asawa at agad na rumesponde ang mga ito sa lugar.

Kalaboso ang suspek at napakawalan ang aso na agad namang umuwi sa bahay ng kanyang amo.

Sa Estados Unidos mayroong kasabihang “finders keepers” pero tumaas ang lebel ng suspek matapos niyang ipatubos ang aso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.