Modelo nagbomba sa museyo, swak sa selda

Bandera (Visayas) - - NEWS -

NEW YORK, USA— Ang mga hubad na katawan lamang ng mga sculpture at sa mga painting ang pinapayagan sa Metropolitan Museum of Art.

Ito ang natutuhan ng isang modelo na dinakip ng pulis nang mag-pose nang hubo’t hubad para sa isang photographer sa harap ng mga bisita ng museyo.

Nahaharap sa kasong public lewdness ang modelong si Kathleen “KC” Neill, 26, taga-New York.

Ikinatwiran naman ng kanyang abogadong si Donald Schechter na walang masama sa ginawa ni Neill dahil puno ng “nude art” ang museyo. “To call what the model and her photographer were doing obscenity is ridiculous," aniya.

Kinilala ang photographer na si Zach Hyman. Kamakailan ay naging kontrobersyal ito nang kunan niyang nakahubad ang ilang modelo sa subway.

Ayon kay Hyman, ang mga paintings ng hubad na katawan sa Met ang nagtulak sa kanya upang kumuha ng larawan sa museyo. Aniya, hindi malaswa ang kanyang mga larawan.—AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.