OGIE DIAZ SA LIFE STORY NI JAKE ZYRUS: GRABE PALA TALAGA ‘YUNG MADIR, ‘NO!

Ian naiipit sa Team Andeng at Team Grace

Bandera (Visayas) - - NEWS - BY ALEX BROSAS

WHEN Joey de Leon posted a group photo na kuha nila sa Japan with this caption, “Isang libo't isang tuwa buong BANZAI...Eat Buraga! @EatBulaga” ay marami ang natuwa.

But there are those who felt that Maine Mendoza didn’t behave the wayshe should. While everyone was serious in their pose, itong si Maine chose to be wacky.

With that, na-bash ang lolah, este yaya ni Alden Richards.

“They're supposed to be there to experience a Japanese custom/tradition. Respect naman sana at wag muna mag-wacky yung nasa dulo. KSP talaga.”

“Papansin. Jusmo, gusto sa lahat ng oras maging center of attraction. Abnormal ba cya talaga.”

“Di ba nung punta sila out of town naglunch with the politicians tapos sya may hawak na pen at akmang sasaksakin ung pinya.”

“Kulang sa GMRC. Di nag-iisip, dapat alam nya iakma ang kilos sa lugar at mga kaharap.”

But Maine’s fans were quick to defend their idol. Actually, tuwang-tuwa pa nga sila sa dalaga.

“Meng! Hahaha! Natatawa ako sayo! Lalo na sa mukha ng jowa mo di maipinta!!! Mukhang behave, kukulit lang yan pagkatabi ka.”

“Zoom ko pa yung screen to look for Maine, kalerkey ka talaga bibi wacky pa more.”

“Si maine talaga.lahat seryoso sa papictures eto nmn naka wacky.hay menggaya ka talaga.”

Marian Something has two leading men in her latest soap opera, theater actor Jerald Napoles and model Matthias Rhoads.

When photos of her with her leading men surfaced on social media, nag-react ang public.

“Hahahaaha! So ayan na naman ang queen of flop. Hahaha. Nakikisakay na naman sa anong uso ngayon!!”

“Hindi na ngsawa GMA kakasugal ng shows kay Marian...tanggapin nyo na tapos na ang kapanahunan nia.” “Sorry Marian, parang hindi kayo bagay sa isa mong leading men iyong naka Pink. mas bagay pa kayong dalawa sa isa mong leading men. Marian good luck to your new teleserye and God Bless.”

“Mam Marian kahit anong tingin ko walang dating hindi kayo bagay, sorry GMA7 palitan ang mga leading men ang dami naman diyan c Dennis Trillo, Ken Chan, Diether Ocampo, Jak Roberto. Baka mam rivera yan ang umpisa ng lost career mo baguhin ang mga lead men talaga sa totoo wala dating. Idol ko pa naman c mam rivera napakaganda niya.”

Apparently, bashers were saying that Marian was riding on the coattails of Alessandra de Rossi and Empoy’s blockbuster movie "Kita Kita" which tells of an unlikely combination ng isang maganda at hindi kagandahang lalaki.

Now on its last five weeks na ang A Love To Last and many people on social media were thinking na magkakabalikan ang characters nina Anton (Ian Veneracion) and Grace (Iza Calzado).

Ang daming pumapabor sa pagbabalikan ng dalawa, ito ay kahit na kasal na si Anton kay Andeng (Bea Alonzo).

“About ibang tao favoring the wife, expected na rin ‘yon kasi nga it’s a Catholic country, may mga mas conservative na gusto nila talaga (na magkatuluyan ang dating mag-asawa). Iba talaga ‘yung magkatuluyan sa asawa mo talaga. ‘Yung iba mas in the present so expected ko na ‘yun,” say ni Ian.

Actually, pahulaan pa kung paano magtatapos ang toprating teleserye dahil may Team Andeng at may Team Grace.

Ang feeling ng Team Andeng ay makakahanap pa ng binata si Andeng at and maka-Grace naman ay nagsusulong na ipaglaban ang kanyang dating asawa. Kaloka!!!

Vindicated si Ogie Diaz nang lumabas ang story ni Charice, este Jake Zyrus sa Maalaala Mo Kaya.

There was a time pala na itinanggi ng madir ni Jake na tomboy ang kanyang anak.

“Napanood ko na yung life story ni Jake Zyrus sa MMK, grabe pala yung madir, no?

“Bigla ko tuloy naalala yung Mommy ni Charice kung paano nitong pinagalit pa ang mga fans noon ng anak niya para i-bash ako nang i-bash sa Twitter na muntik ko pang desisyunang i-deactivate ang account ko, dahil sobra na ang mga panlalait sa akin ng ilang fans.

“To a point na pinatrending pa nila yung #PokpokAngInaNiOgieDiaz para lang panghinaan ako ng loob. Idinamay pati nanay kong walang kamalay-malay.

“Di nila matanggap yung opinyon ko noon sa radyo at sa diyaryong pinagsusulatan ko. Sabi ko noon, feeling ko, tomboy si Charice na kung tutuusin, wala namang masama, pero ayaw pumayag ng madir! Hahaha! Tunay na babae daw ang anak niya. Hanggang sa ayan na nga, si Charice pa mismo ang umamin at pinalaya ang sarili. “Hay. Kalokah no?” ‘Yan ang post ni Ogie sa kanyang Facebook account.

IAN VENERACION AT BEA ALONZO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.