PAULO NAKIUSAP: BIGYAN NATIN NG NORMAL NA BUHAY ANG ANAK KO, WAG NA NATING IDAMAY!

Bea kay Gerald: Maaga pa para sabihin kong siya ang ‘the one’!

Bandera (Visayas) - - NEWS - BY ERVIN SANTIAGO

nakadispley ang seksi niyang katawan na nakabikini!

Ganoon ba ang hiwalay? Hintayin na lang natin ang kumpirmasyon ng hiwalayan mula kina Pia at Marlon. NAKIUSAP si Paulo Avelino na kung maaari ay huwag nang ibandera sa publiko ang buhay ng kanyang anak kay LJ Reyes na si Aki.

Sana raw ay hayaan na lang na maging pribado ang pamumuhay ng bata dahil wala pa naman itong kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Nakausap ng ilang miyembro ng entertainment media ang Kapamilya actor sa blogcon ng bago niyang teleserye, ang The Promise Of Forever na malapit nang mapanood sa ABS-CBN.

Aniya, kung may kailangang ayusin sa pagitan nila ni LJ, ibalato na lang daw sa kanila ‘yun para sa bata, "Actually kasi ngayon talaga hindi ko alam. Kasi, pangit naman pinag-uusapan yung ginagawa natin sa publiko, ‘yung buhay ng inosenteng bata na walang kinalaman sa mga nangyayari sa trabaho natin.

"Hayaan na natin bigyan na normal na buhay yung anak ko, huwag na nating idamay o isangkot sa mga...kasi di ba, kukunin n’yo ‘yung panig ng isa, naghahanap kayo ng pwedeng masabi na mai-irritate yung isa, pare-pareho naman kaming talo," ang medyo may hinanakit na pahayag ni Paulo.

Kung matatandaan, nagpainterbyu kamakailan si LJ at sinabing hindi raw nabibisita o nakakasama ni Paulo ang kanilang anak. Ang tumatayong ama ngayon ni Aki ay ang boyfriend ni LJ na si Paolo Contis. Pero sey ni LJ, hindi naman inaagawan ni Paolo ng posisyon si Paulo bilang tatay.

Sey pa ni Paulo, hindi naman siya naiinggit kung mas kinikilalang tatay ni Aki si Paolo, "Basta gusto ko masaya yung bata. May tamang oras naman na kasama ko yung anak ko, hindi ko rin naman masabi kung ano yung nangyayari sa kanila.

Dugtong pa niya, “Alam naman ng bata na ako yung tatay niya. At the end of the day, gusto ko masaya yung bata.”

May kanya-kanya nang lovelife ngayon sina LJ at Paulo. Kung happy na ang Kapuso actress sa piling ni Paolo Contis, happy din si Paulo sa kanyang model-girlfriend na si Jodie Elizabeth Tarasek. Sabi nga ng binata, isang malaking “blessing” ang relasyon nila ni Jodie.

Samantala, isang blessing din para kay Paulo ang nalalapit nang pagpapalabas ng serye nilang The Promise Of Forever kung saan makakasama niya GERALD ANDERSON PAULO AVELINO, RITZ AZUL AT EJAY FALCON sina Ritz Azul at Ejay Falcon at kinunan pa sa iba’t ibang lugar sa Eastern Europe.

Isa na namang big challege para kay Paulo ang role niya sa seryeng ito bilang si Nicholas na tinamaan ng kidlat na naging dahilan ng kanyang pagiging imortal. Sa kasalukuyang panahon ay nabubuhay siya sa edad BEA ALONZO JAKE ZYRUS na 145 ngunit batambata pa rin ang itsura hanggang sa ma-in love siya sa karakter ni Ritz na si Sophia.

Ang The Promise Of Forever ay sa direksyon nina Darnel Villaflor at Hannah Espia. Kahit hindi na diretsong sagutin ni Bea Alonzo ang tanong kung boyfriend na niya si Gerald Anderson, kitang-kita sa itsura nito ang pagiging super in love ngayon.

Sa nakaraang thanksgiving presscon ng serye niyang A Love To Last, inamin ng aktres na hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong kung ano na ang label ng relasyon nila ni Gerald.

"Sa totoo lang we are really enjoying each other's company right now. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin because people might think echosera ako no, but what should I say? I wish I could say something. Basta, we are living in the moment," ani Bea.

Gaano kaespesyal sa kanya ang aktor? "He's very special. He inspires me every day. Ang ganda ng mga naibahagi niya sa akin.”

"Napakaaga pong sabihin na siya na 'yung the one. Wala pa po kami doon. Parang ang dami ko pa ring gustong gawin sa buhay ko. Madami pa akong pangarap na gusto kong abutin bago ako pumunta doon," sey pa ni Bea na ang tinutukoy ay ang kasal.

Hindi raw sincere ang panghihingi ng sorry ni Jake Zyrus, ayon sa kanyang inang si Raquel Pempengco.

“May halong kashowbizan at kaplastikan ‘yun, dahil kung mahal na mahal niya ako, bakit niya gagawin yun? Ako, hindi ko kailangang sabihin sa public na mahal na mahal ko siya.

“Gusto kong ipadama sa kanya, pero siya ang lumalayo,” ayon kay Mommy Raquel sa isang panayam.

Pero sey ng ina ni Jake, hindi pa man daw siya humihingi ng sorry dahil sa ipinalabas na life story ng kanyang anak sa Maalaala Mo Kaya kung saan pinalabas siyang masamang ina, ay napatawad na niya ito.

“Hindi na po niya kailangang humingi ng sorry sa akin. Maramdaman ko lang po ang yakap niya at pagmamahal niya, okay na po sa akin.

“Burado na lahat ang sama ng loob at hinanakit na nagawa niya sa akin. Lagi ko naman po siya pinatatawad,” sabi pa ni Mommy Raquel sa nasabing panayam.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.