‘HUWAG NA SANANG UMABOT SA KORTE ANG KUTO NG ANAK NINA ANDI AT JAKE’

Marlo may pa-concert para sa inang may cancer

Bandera (Visayas) - - NEWS - BY JOBERT SUCALDITO

GUSTO kong humagalpak sa sa nabasa kong item sa pagpopost daw ng baby kong si Jake Ejercito ng kuto na nakuha sa ulo ng anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Ibig sigurong ipabatid ni Jake na naging pabaya si Andi sa pagaalaga sa kanilang unica hija kaya ayon, kinuto ang bagets. Next scene, nagpuputak na ang lola ni Ellie na si Ms. Jaclyn Jose (mother ni Andi) dahil sa post na iyon. She is declaring war again laban sa pamilya ni Jake. Sana raw, kung nakita nilang may kuto si bagets ay ginamot na lang nila – hindi yung ipinost pa sa social media.

But you know, it looks funny pero hindi ako pabor sa ginawa ni Jake. Pag nagkita kami niyan, pangangaralan ko as a tiyahin. Ha! Ha! Ha! May point naman si Ms. Jaclyn though sana ay hindi na siyang nagdeklara ng another civil war. At huwag naman sana niyang idawit si Ms. Laarni Enriquez na ina ni Jake dahil hindi naman si Laarni ang nag-post noon. She didn't even comment on that.

Kumbaga, Jake is his own person – iba sa identity ng kanyang mother. Pero kung sasabihin nilang bakit hindi naman sinaway ni Ms. Laarni si Jake, hindi na natin kontrolado ‘yun. I'm sure sinaway ni Ms. Laarni si Jake dahil knowing Ms. Laarni, she's very levelheaded.

Sa ganitong mga pagkakataon kasi, ang repercussion ay mapupunta sa bata. Yes, tama ang point ni Nay Cristy Fermin na pag nalaman ng mga kaklase ni Ellie na may kuto siya, kahit nagamot na, baka tuksuhin siya at ma-bully. Karamihan naman sa atin, in our lifetime, lalo na pag probinsiyano ka, makakaranas ka talagang magkaroon ng kuto. Hindi dahil sa may kuto ang pamilya mo but maybe ay mahahawa ka sa mga kalaro mo sa bukid.

Madali namang magamot ito, eh. Tatiyagain mo lang talagang isa-isahing tanggalin sa ulo ng mga anak mo. Ha! Ha! Ha!

Kuto talaga? Ha! Ha! Ha! Muntik na akong mapraning. Sana maayos nila ang isyung ito. Huwag na sanang lumaki. Puwede bang magkapatawaran na lang sila? Huwag na sanang umabot pa sa korte ang isyung kuto, okay? Baka maloka si Atty. Ferdie Topacio nito. Kabaliw!

Yes, tuwang-tuwa talaga ako sa guwapong Harana member na si Marlo Mortel dahil wala itong sinasayang na araw sa trabaho. Basta't may pagkakataon ay hindi talaga siya nagpapaliban. You know why? Kasi this young boy really needs to work hard para sa medications ng kanyang ina who is in her stage 4 ng cancer. And we should pray for Marlo's mom's recovery. This coming Oct. 13 ay meron siyang pa-concert to raise funds for her mom's medications titled "Songs For Mama" na gaganapin sa Elements sa Centris, Q.C.. Makakasama ang alaga kong si Michael Pangilinan as guest sa event na ito ni Marlo. Hindi lang alam ni Marlo kung gaano ako natouch sa invitation niya to have Michael as one of his special guests. Sa totoo lang, merong tentative booking si Michael sa Cebu City that day pero agad kong tinawagan ang promoter and pressured her na kailangang malaman ko kung tuloy ang event na iyon sa Cebu dahil I felt na mas mahalaga itong kay Marlo. I gave the promoter a day to advise me kung tuloy or hindi para madesisyunan ko na. My promoter requested for another day para makapag-decide pero I begged off na. Pinalilipat ko ang event nila on Oct. 14 dahil mall show naman iyon. Pumayag naman ang promoter ko dahil wala naman silang choice eh, kakausapin daw niya ang mall na ilipat na lang si Michael sa Oct. 14.

Hindi lang siguro dapat mag-guest si Michael sa event na ito ni Marlo, we must walk an extra mile to help Marlo. Para ito sa medication ng mahal niyang ina kaya malamang na tutulong din kami sa pagbebenta ng tickets. We are more than willing to do it. Tutulong ka na rin lang, eh, di lubus-lubusin mo na, right? Kaya kayong nagbabasa nito, tumulong kayo, ha.

Pag may extra kayong money, mag-sponsor naman kayo for Marlo's mom. Bili kayo ng tickets para maliban sa mai-entertain na kayo, may napupuntahang very noble cause ang perang ibabayad ninyo. It's my idea, not Marlo's, ha. Baka malagay naman sa alanganin si Marlo dahil ipinanghihingi ko ng suporta.

I just love Marlo Mortel. At dapat lang siyang pagpalain sa mundong ito. He has a big, big heart. Mwah!

JAKE EJERCITO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.