Heart Enemies

Bandera (Visayas) - - NEWS - Ni Gilda Olvidado

Kumalma naman si Niconangpakalmahin siya ni Laila. “Okay. I’m calmed now, Lai. Okay na ako.”

“So sa ospital na lang tayo magmi-meet? Look for me. Maybe sa labor room or sa delivery room. Pero sabihin mo sa driver mo na huwag magmamadali sa pagda-drive. Baka ... baka maaksidente ka rin tulad noon ng best friend mo.”

“Sige, Lai ... sasabihin ko. Don’t worry about me. Kasi ikaw itong manganganak.”

Pero nang matapos ang usapan nila ni Laila balik sa pagkataranta ang guwapong bulag. “Mang Tino! Mang Tino! Ang sasakyan! Sa ospital tayo, manganganak na si Ma’m Laila mo! Bilis! Please!”

“Sir, Sir ... handa na po ang sasakyan. Hindi ba po nang magsimula ang buwan na ito ay pinahahanda na ninyo sa akin ang sasakyang araw-araw, gabi-gabi ... sakali ngang mangyari itong manganganak na si Ma’m Laila?”

“Oh, yes. Oh, yes. I forgot that. O dali na, alis na tayo! Kabisado mo na ang ospital, hindi ba?”

“Yes, Sir! Halina po kayo, Sir! Kapit na po kayo sa akin para mas mabilis tayo!” “Okay, okay!” Sa pagmamadali ni Nico ng paghakbang, natisod niya ang sariling paa.

“Oh, shit! Kung kailan nagmamadali ...”

“Sir, relax lang kasi. Iyung tamang pagmamadali lang ho.”

GANDANG-GANDA sa isla ang tatlo nang lumapag ang helicopter sa buhanginan.

“Wow! Pakiramdam ko ay ako ang prinsesa ng paraisong ito!” Tili ni Charlene.

“At dalawa kaming magpapaligaya sa iyo sa paraiso, Charlene!” Biro lang kunwari pero may malisya na sabi ni Eric.

Umirap lang si Charlene pero hindi na-offend.

SA LOOB ng yungib, nakatulog si Dave, hindi narinig ang tunog ng lumapag na helicopter. Ilang gabi na rin siyang puyat dahil sa sama ng loob na hindi natuloy ang inasahan na niyang pagrirescue sa kanya.

“Nasaan na kaya si Dave?”

“Charlene, hindi pa sigurado na si Dave nga ‘yung nakita namin.”

“Malakas ang kutob ko na siya ‘yon.”

“Bakit para kang siguradong-sigurado?”

“Mahal ko ang gagong ‘yon, e.

Kaya iyon ang sabi ng puso ko na siya ‘yon.”

Napailing na lang sina Eric. “Para kang may konti.”

“Pero bakit hindi pa natin siya nakikita? Mahigit isang oras na tayo dito, a. Baka ... baka nakain siya ng pating? O kaya baboy-ramo. O kaya sawa!”

“Baka nandidiyan lang. Maliit nga lang ang islang ito pero marami ang puwedeng pagtaguan dito. May mga yungib tiyak dito. Kung gusto mo, pasukin natin isa-isa ang mga yungib. Baka may mahuhukay din tayong ginto doon o kaya brilyante.”

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.