8 at 3 ang mahiwaga

Bandera (Visayas) - - NEWS -

Dear David,

PUTOL ang aking kaliwang paa dahil sa komplikasyon sa sakit kong diabetes. Dahil dito ay nawalan ako ng trabaho pero nakapagtayo ako ng maliit na sari-sari store mula sa nakuha kong separation pay. Ano ba ang buwenas na negosyo sa akin? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1970. May tatlo akong anak na nag-aaral. Ano ba ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay? Ano ba ang buwenas kong kulay at numero na puwede kong tayaan sa suertres at lotto? DARIO NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Dario,

NUMBER eight (8) at three (3) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Saturn at Jupiter ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Buwenas ka sa kulay itim at asul. Tipikal sa tulad mong sinasaniban ng mahiwagang No. 8 ang makaranas ng matitinding dagok ng buhay pero sakaling malampasan mo ang mga pagsubok na ito, makakaangat ka sa pinakamataas na antas ng pagtatagumpay. Kailangang mag-concentrate ka lamang sa iisang bagay o larangan kaya’t dapat mong isakripisyo ang ilang sitwasyon na walang kaugnayan sa katuparan ng iyong ambisyon sa buhay. Masyado kang emosyonal pero dapat mong makontrol ito upang hindi ka mapahamak. Dahil dito, maaari kang makaangat sa negosyo sa larangang serbisyo tulad sa repair, rentals o passenger vehicles ventures. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2018 at 2021 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero, Marso, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 12, 18, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa suertres, isama mo sa No. 8 at No. 3 ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-2228-34-38-40-42.

ASSET tips: 3-7-1/1-27/8-2-3/4-3-6. Wiretips:3-64/1-3-5/8-3-5/8-3-4. Double digit: 6-3/5-7/1-3/6-6. Luzon guide:4-8-11-19-23-27-3034-37-40-42. Vis-Min: 3-711-20-22-28-34-37-39-42. Mega-Lotto: 3-7-11-19-3437-40-42. Four Number: 34-3-4/ 7-8-2-1/1-3-5-2/7-82-2.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.