WNCAA lalarga sa Sabado

Bandera (Visayas) - - NEWS -

PANGUNGUNAHAN ng host Poveda College ang 15 iba pang paaralan sa pagbubukas ng 48th Women's National Collegiate Athletic Association (WNCAA) sa Sabado sa Philsports Arena, Pasig.

Pararangalan din ang mga Poveda alumnae na kuminang sa larangan ng sports sa opening ceremony ng liga umpisa alas10 ng umaga.

Ang tema ng season ay "Audacia Sin Limites" (Courage without limits).

Puntirya naman ng Centro Escolar University ang ikapitong sunod na senior basketball crown.

Makakasagupa nito ang University of Makati alas-3 ng hapon.

Pakay naman ng De La Salle Zobel ang ikawalong sunod na titulo sa juniors division.

PORMAL na inilunsad kahapon ang 48th season ng WNCAA sa pangunguna nina (mula kaliwa) secretary general Ma. Angelica Dela Cruz, Poveda College academic support head Charisse Marie Raagas, Poveda president Dr. Azucena Camagan, Poveda Basic Education principal Annabelle Sanchez, league executive director Maria Vivian Manila at league vice president Juanito Alamillo ng Centro Escolar University. Ang host ng season ay Poveda College.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.