PH wagi ng silver sa Universiade

Bandera (Visayas) - - NEWS -

NABIGO si Jomar Balangui sa kanyang final match kontra Peng Yuan ng China para magkasya sa silver medal sa men's sanda-52 kg event ng wushu sa 29th Summer Universiade sa Taipei.

Ibinigay ng 19-anyos na estudyante ng University of Baguio ng lahat ng kanyang makakaya para ibigay sa Pilipinas ang ikalawa nitong ginto sa kasaysayan ng Universiade pero kinapos ito kontra sa nakalabang Intsik, 2-0, sa gold medal match.

"I did my best," sabi ni Balangui na tinalo si Isiah Ray Enriquez ng Estados Unidos sa semifinal round, 2-0.

Ito ang tanging medalya na napagwagian ng Philippine delegation na sinuportahan dito ng San Miguel Corp., Bestank at Garfield Sportswear.

Ang pilak ni Balangui ay ang ikatlong medalyang napanalunan ng Pilipinas sa Universiade.

Si Grandmaster Wesley So ay nanalo ng ginto sa chess sa 2013 Kazan Universiade at si Samuel Thomas Morrison ay nag-uwi ng pilak sa taekwondo noong 2011 Shenzhen Universiade.

Ang Universiade, ang tinaguriang "Olympics" ng mga student athletes, ay inoorganisa ng Federation Iinternatonale du Sport Universitaire (FISU). Ang mga Pinoy na atleta dito ay pinapadala ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP).

"It really makes us proud to be a Filipino watching our flag being hoisted during the award ceremony along with China, Korea and the US," sabi ni FESSAP president David Ong.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.