Perez ng Lyceum nangunguna sa MVP derby

Bandera (Visayas) - - NEWS -

NAKATUTOK si CJ Perez sa pagbigay sa koponan niyang Lyceum of the Philippines University ng kampeonato sa 93rd NCAA basketball tournament.

Pero mukhang pati ang Most Valuable Player award ay may tsansang mapasakanya rin.

Si Perez ay isa sa mga statistical leaders ng liga sa pagtatapos ng unang round ng eliminasyon kung saan nagtala ng 9-0 (win-loss) record ang Lyceum.

Sa siyam na laro, si Perez ang leading scorer ng liga na may average na 18.6 points per game. May average din siyang 5.6 rebounds, 3.2 assists at 1.6 steals kada laro.

Mahigpit na makakalaban ni Perez para sa MVP award ang 1-2 punch ng San Beda College na sina Robert Bolick at Javee Mocon.

Si Bolick ang nangunguna sa assist na may average na 4.7 kada laro bukod pa sa mga average na 13.6 points at 4.7 boards per game.

Si Mocon naman ay may mga numerong 12 points, 9.9 rebounds at 3.6 assists per game.

Ang San Beda ay may kartadang 8-1 sa unang round.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.