PULIS BALIK SA KAMPANYA VS DROGA

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

SUGATAN ang pulis matapos barilin ng lalaki nang rumesponde sa isang insidente sa San Julian, Eastern Samar, iniulat ng pulisya Linggo.

Isinugod sa ospital si PO2 Fredirick Samantilla, intelligence officer ng San Julian Police, dahil sa tama ng bala sa tiyan, ani Chief Insp. Maria Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Eastern Visayas regional police.

Naganap ang pamamaril alas-4:50 ng hapon Biyernes sa Brgy. Putong.

Bago iyon ay nagtungo si Samantilla at iba pang pulis sa naturang lugar upang rumesponde sa insidente ng indiscriminate firing, o walang habas na pagpapaputok ng baril doon.

Habang naglalakad ang mga alagad ng batas ay biglang pinaputukan si Samantilla ng isang Fredie Moscosa, na nagtago sa gilid ng kalsada.

Tumakas si Moscosa matapos ang pamamaril, pero naiwan ang kanyang homemade na baril at tatlong slug.—John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.