Operasyon sa Marawi ibinida ni Du30

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - Ni Bella Cariaso

IBINIDA ni Pangulong Duterte ang tagumpay ng pamahalaan sa operasyon nito kontra sa Islamic State-inspired na Maute group sa Marawi City, sa pagbubukas ng 31st Asean Summit sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Pasay City kahapon.

Dinaluhan ng 21 lider ng iba’t ibang bansa kabilang na sina United States President Donald Trump at Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

"Less than a month ago, Philippine government forces liberated the city of Marawi from terrorist groups who pledged allegiance to the Islamic State. Resolute, we are now in the process of helping people back on their feet to reclaim their lives,” sabi ni Duterte sa kanyang opening remarks.

Kasabay nito, nagpasalamat si Duterte sa tulong ng iba’t ibang bansa para sa Marawi City.

"Our ASEAN brothers provided support by sending relief items for the benefit of the internally displaced persons while others provided valuable assistance and bolstered our military campaign,” dagdag ni Duterte.

Nagtapos ang operasyon sa Marawi City matapos ang mahigit limang buwan pakikipagsagupa sa mga teroristang Maute.

Hinikayat din niya ang mga lider na magkaisa para labanan ang terorismo sa rehiyon.

“For example, terrorism and violent extremism endanger the peace, stability and security of our region because these threats know no boundaries. Piracy and armed robbery, ...put a dent on our growth and disrupt the stability of both regional and global com- merce,” ayon pa kay Duterte. Campaign vs drugs Kasabay nito, muling ipinagtanggol ni Duterte ang kampanya ng kanyang administrasyon kontra droga.

“The menace of illegal drug trade continues to endanger the very fabric of our societies,” dagdag ni Duterte.

Kabilang sa mga dumalo sa opening ceremony ay sina Vice President Maria Leonor Robredo; dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada, dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria MacapagalArroyo.

NAGSAGAWA ng bilateral meeting sina U.S. President Donald Trump (kaliwa) at Philippine President Duterte kahapon sa Philippine International Convention Center sa Maynila. Nasa bansa si Trump para dumalo sa ginaganap na 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.