Isabel Lopez nag-sorry; kaso tuloy pa rin

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

HUMINGI nang paumanhin ang aktres at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez sa ginawa nitong ilegal na pagdaan sa ASEAN lane noong Sabado.

Katwiran ni Lopez nagawa niya iyong dahil umano sa "call of nature".

Binanggit din nito na tatlong oras na siyang naiipit sa matinding traffic noong nakalaipas na Sabado ng gabi kung kaya’t ihing-ihi na siya.

“The end doesn’t justify the means but I needed to answer the call of nature because I had been stuck in traffic for three hours. Sorry, but I’m only human,” sabi ni Lopez matapos humingi ng sorry.

Sakabila ng paghingi ng sorry, isinumite kahapon ng Metro Manila Development Authority sa Land Transportation Office (LTO) ang kanilang reklamo laban sa aktres.

Sa sulat na pirmado ni MMDA Dir Victor Pablo Trinidad, hiniling nito ang pagbawi sa non-professional driver’s license ni Lopez bukod pa sa dapat din itong pagmultahin.

Ginamit ng MMDA, ang mismong Instagram post ni Lopez hinggil sa ginawa nitong ilegal na pagdaan sa ASEAN lane.

Naglabas naman ang LTO ng show cause order at inatasan na humarap sa pagdinig ng LTO Law Enforcement Service sa November 16, alas-10 ng umaga.

Ayon sa opisyal, maituturing na serious security breach ang ginawa ni Lopez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.