Baka na-brainwash lang tayo (2)

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - Ni Leifbilly Begas

MARAMING bagay ang nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao. Lalo na kung nakamulatan niya ang mga ito.

Ayon sa isinulat ni Gregory Myers sa TopTenz, mayroon namang mga bagay na gawa ng lipunan na nakaimpluwensya rin nang husto sa atin.

Slenderman

Ang Slenderman ay isang nakatatakot na nilalang at nilikha para hindi na lumabas kapag gabi ang mga kabataan.

Ang halimaw na ito ay nagsimula bilang proyekto ng Something Awful forums ng user na si Victor Surge. Naglalagay siya ng mga nakakatakot na nilalang gaya ng Slenderman na sinabi niyang ilang libong taon ng naghahasik ng lagim sa lupa.

Nagpost pa siya ng mga litrato ni Slenderman na makikita umano sa mga lumang painting.

Hindi nagtagal ay sumali na rin ang ibang tao sa pagdaragdag ng kuwento tungkol kay Slenderman kaya lalo itong nagmukhang totoo.

Kumalat ang kuwento sa internet kaya naman lalong dumami ang naniwala at natakot sa kanya.

Matapos mabasa ang mga kuwento at makita ang kanyang litrato, naging bahagi na siya ng buhay ng mga ito.

Ang kanyang paboritong target ay mga bata.

Mayroong naniniwala na totoo si Slenderman gaya ng dalawang babaeng teenager sa Waukesha, Wisconsin na kinasuhan sa tangkang pagpatay.

Sinabi ng kanilang abogado na wala sila sa tamang pag-iisip at ang ebidensya, naniniwala sila sa Slenderman.

Ayon sa kanilang abugado, inutusan sila ni Slenderman upang dalhin sa kakahuyan ang kanilang kaibigan at doon ito patayin.

Sinaksak nila ito ng 12 beses pero masuwerteng nakaligtas.

Wind Farm Syndrome

Maraming bansa na ang nagtatayo ng wind farm para makagawa ng kuryente nang walang polusyon.

Pero mahirap maghanap ng lugar kung saan ito itatayo. At problema rin ang mga nagrereklamo dahil nakakasira raw ng view.

Bukod pa rito, mayroong mga tao na nagsasabi na mayroon masamang epekto sa kanila ang mga wind farm. Walang tunog ang wind farm pero may mga nagrereklamo na sumasakit ang kanilang ulo, nagkakaroon sila ng insomnia at marami pang ibang sakit.

Ilang beses nang nagsagawa ng pag-aaral kaugnay ng Wind Farm Syndrome, o WFS at napatunayan na walang epekto ang wind farm sa kalusugan ng tao.

Pero dahil sa dami ng mga nagsasabi na nagkakasakit sila, marami ang naniniwala rito at magingsilaay "nagkakasakit" na rin.

Sa madaling salita marami ang nagkakasakit dahil sa kwento-kwento.

Expired

Ayon sa pag-aaral sa Harvard, halos 40 porsyento ng mga pagkain sa Estados Unidos ay itinatapon dahil sa maling pagkakabasa sa label.

Hindi naman sinasadya ng mga manufacturing companies na magkamali sa pagtingin ng label at kung tutuusin ay tama lang naman ang kanilang ginawa o ang disenyo ng kanilang label.

Ang problema ay nasanay lang ang tao na magtapon ng pagkain kapag nakita na lagpas na ang petsa sa label.

Kahit na nga inabot na ang "expiration date" ay hindi nangangahulugan na sira na ang pagkain lalo na kung inilagay mo ito sa refrigerator.

Karamihan ng tao, ang alam ay malapit ng masira o sira na ang pagkain kapag umabot ito sa expiration date.

Ang mga label na “use by” at “best by” ay nangangahulugan na ang pagkain ay hindi na best quality kapag umabot sa petsa na ito kundi hindi na ganun kasarap.

Ang label na “sell by” ay para sa mga tindahan at hindi sa kustomer.

Kapag malapit na ang Halloween madalas ay kumakalat ang balita kaugnay ng mga candy na may droga.

Kumakalat online ang mga nakakatakam na candy na nilalagyan ng kuwento upang magbigay ng babala sa publiko.

Hinahaluan umano ng ipinagbabawal na gamot ang mga candy at ipinamimigay sa mga batang edad 12 pababa.

Dahil babala, wala namang masama kung ipapakalat di ba kasi baka nga naman totoo.

Pero ayon sa mga pagaaral ang mga candy na hinahaluan ng droga ay hindi ipinamimigay sa bata kundi sa mga matatanda.

Sino nga namang drug dealer ang gagastos ng malaki at ipamimigay lang? Ang negosyo nila ay hindi mamigay kundi magbenta para kumita.

Artificial Intelligence

Sa dami ng mga pelikula gaya ng Star Trek, Star Wars at kung anu-ano pang hightech na palabas, marami ang naniniwala na magkakaroon na ng mga robot na may sariling pag-iisip.

At kung ang mga robot ay may sarili nang isip, kukunin na nila ang mundong ito sa tao at sila na ang magpapatakbo.

Ang mga paniniwalang ito, at ang pagdami nila ay dahilan kung bakit marami ang natatakot.

Pero kung titingnan ang kasalukuyan, wala pa naman talagang ganito kahigh tech na teknolohiya. Yung tipong ang robot na ang mag-iisip sa sarili niya at hindi na kailangan ng tao para siya ay i-program.

Kung mayroon upang dapat na katakutan, ito ay ang paglalagay ng maraming trabaho sa mga makina o robot.

Gaya halimbawa ng self-driving car. Kung ang kotse na ang mag-iisip kung saan daan at paano patatakbuhin ang sasakyan, kapag nagkamali ito ay pasensya ka.

Mas dapat umano itong katakutan sa halip na ang tiyansa na magkaroon ng sariling isip ang mga robot.

SLENDERMAN

EXPIRED

ARTIFICIAL INTELLIGENCE

CANDY

WIND FARM SYNDROME

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.