Drug case ni Cogie susukatin ang galing ng tatay bilang abogado

Sikat na TV host-actress ang kapal, wa

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY CRISTY FERMIN

PARA sa isang grupo ng mga taga-showbiz ay nagkaroon ng sakit na kalimot ang isang magandang actress-TV host dahil sa hindi man lang paglingon sa mga taong napakalaki ng naitulong sa kanyang career.

Siya ang pinagpistahan sa isang umpukan nu’ng minsan dahil ni hindi man lang pala niya kinukumusta ang isang taong naging dahilan kung bakit siya naging matagumpay na artista.

Sabi’y mabait ang female personality, isang kuwentong kinokontra ng grupo, dahil nga sa kawalan ng utang na loob sa taong naging tulay niya sa pagiging artista.

Kuwento ng isang source, “Paano naman magiging mabait ang isang taong napakaigsi ng memorya sa pagtanaw ng utang na loob? Paano natin masasabing nice siya, e, ‘yung mismong taong tumulong sa kanya nu’ng wala pa siyang kapangapangalan, e, ni hindi man lang niya maalala?

“Nakitira pa siya sa bahay nu’ng discoverer niya, inalagaan siya at ihinanap ng trabaho, pero ano ang napala sa kanya nu’ng magkapangalan na siya?

“Waley! Ni hindi nga niya maregaluhan ang kahit ano lang ang discoverer niya? Sa yaman na niya ngayon, kahit regaluhan pa niya ng bahay at lupa ang babaeng nagpakahirap sa kanya, e, hindi naman makababawas sa pangkabuhayan showcase niya, di ba?

“Wala siyang utang na loob, hindi siya marunong magpahalaga sa taong naging dahilan kung bakit siya sinuwerte bilang artista,” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Nu’ng minsan pala ay ipinaalala sa aktres ng isa niyang katrabaho ang kanyang nakaraan. Naalala raw man lang ba niya ang taong nagpakahirap sa kanya? Naloka ang nagtanong dahil parang walang narinig ang magandang aktres.

“Waley! Talagang kinalimutan na niya ang taong gumawa ng paraan para makapag-artista siya. Imposible namang makalimutan niya ang babae, nakitira pa siya nang halos isang taon sa bahay nu’n!

“Naku, kahit gaano pa siya kasaya ngayon dahil sa pinakahuling senaryo sa buhay niya, e, balewala rin ‘yun dahil wala siyang utang na loob! Ikasal man siya nang libong beses, e, maaalala pa rin ng marami ang kawalan niya ng pagpapahalaga sa discoverer niya!” naiinis na sabi pa ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo ang girl na ito, promise!

Inabangan namin ang interview ni Cogie Domingo sa Kapuso Mo, Jessica Soho nu’ng Linggo nang gabi. ‘Yun ang unang mahabaang panayam kay Cogie mula nang makaladkad ang kanyang pangalan sa usapin ng droga. long siya nang halos isang linggo nagpiyansa nang dalawang libong piso may kaso siyang kailang harapin ngauyon para idipensa ang sarili sa ginanap na buy bust operation ng PDEA. Nagpauna na ang mga tauhan ng PDEA n ahindi naman si Cogie ang kanilang pakay, nagkataon lang na nasa lugar ang guwapong aktor, kay pati siya ay binitbit din sa presinto.

Maganda ang daloy ng

COGIE DOMINGO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.