Kawal, pulis patay sa sagupaan sa NPA

Bandera (Visayas) - - NEWS -

ISANG kawal at pulis ang nasawi habang tatlo pang tauhan ng pamahalaan ang nasugatan sa magkakahiwalay na engkuwentro sa iba-ibang bahagi ng Luzon nitong Linggo.

Napatay si PO1 Matthew Baybayon habang nasugatan si PO1 Edgarde Demingoy matapos tambangan ng mga rebelde sa San Fernando, Masbate, alas-9 ng umaga sa barangay Buyo, bayan ng Batuan.

Tinangay pa ng mga rebelde ang dalawang government-issue na kalibre-.9mm pistola ng mga pulis, aniya.

Linggo ng hapon, isang sundalo naman ang nasawi at dalawa pang nasugatan nang makasagupa ang NPA sa Abra at Isabela.

Nasawi ang isang miyembro ng 86th Infantry Battalion nang makasagupang kanyang team ang di mabatid na bilang ng rebelde sa Echague, Isabela, sabi ni Capt. Jefferson Somera, tagapagsalita ng Army 5th Infantry Division.

Dakong alas-2 ng hapon, dalawang miyembro naman ng 24th Infantry Battalion ang nasugatan nang makaenguwentro ang mga rebelde sa Brgy. Alangtin, Tubo, Abra, ani Somera.

Nakarekober ang mga kawal ng rifle grenade, bandolier, anim na magazine na mga bala para sa M16 rifle, medical kit, at 50 metrong cable wire at switch para sa land mine, aniya.

Samantala, nakasagupa rin ng mga tropa ng pamahalaan ang mga kasapi ng NPA sa Brgy. Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental, ala-1 ng hapon Linggo.

Nagsasagwa ng reconnaissance ang mga rebelde para sa planong pag-atake sa coal-fired power plant ng Minergy sa Balingasag, nang maengkuwentro ng Army.

Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok, pero walang naiulat na nasawi o nasugatan sa magkabilang panig, aniya. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.