Trak vs motor: 2 dedo

Bandera (Visayas) - - NEWS -

PATAY ang dalawang lalaki matapos sumemplang at dumausdos sa ilalim ng dump truck ang sinakyan nilang motorsiklo sa Gen. Trias City, Cavite, nitong Linggo.

Dead on the spot si Jeson Macatigbak, 23, dahil sa matinding pinsala sa ulo, habang ang kasama niyang si Dencel Roces ay binawian ng buhay sa ospital.

Naganap ang insidente dakong ala-1 sa Brgy. Tejero.

Tinatahak nina Macatigbak at Roces ang direksyon mula sa city proper patungong Tejero, nang masalpok ng kasalubong na dump truck, na dala ni Dennis Valderama, 33.

Sinabi ni Valderama sa pulisya na tila nawalan ng kontrol sa motor ang dalawa kaya nag-slide sa kalsada ang sasakyan at napunta sa lane ng trak.

Nasa kostudiya ngayon ng pulisya si Valderama para sa imbestigasyon. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.