Wanted sa child abuse tiklo

Bandera (Visayas) - - NEWS -

ARESTADO ang 40anyos na lalaki na wanted sa kasong child abuse sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Jessfer Unay, driver, at ng Golden Shower st., Brgy. Payatas, na naaresto ng Batasan Police sa kanyang bahay alas-11:45 ng umaga.

Hinuli siya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Roslyn Rabara-Tria ng Quezon City Regional Trial Court branch 94. Ang piyansa na inirekomenda para siya ay pansamantalang makalaya ay P80,000. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.