Buntis hinabol ng saksak

Bandera (Visayas) - - NEWS -

DINAKIP ng pulisya ang 18-anyos na lalaki matapos umanong habulin ng saksak ang isang buntis at kanyang mister sa Quezon City kahapon ng umaga.

Si Aldrin Ebuenga, ng Nawasa Line, Brgy. Holy Spirit, ay dinala sa Batasan Police station matapos ireklamo ng mag-asawang sina Jomas Aljuran at kanyang misis na si Anamarie Aranzaga, tatlong buwang buntis.Naglalakadang dalawa sa Nawasa Line nang makasalubong ang suspek na biglang naglabas ng balisong dahilan para magtatakbo ang mag-asawa.

Nakita ng nagpapatrolyang mga tanod ang pangyayari kaya agad nilang hinuli ang suspek. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.