Bank teller nagpakamatay

Bandera (Visayas) - - NEWS -

NAGBIGTI ang isang bank teller sa loob ng kanyang tahanan sa Makati City nitong Sabado.

Hanggang ngayon ay inaalam pa rin ng pulisya ang dahilan ng pagpapatiwakal ng 28-anyos na bank teller.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang suicide sa bahay ng teller sa Liwag building, sa barangay Palanan, Makati.

Naisugod pa sa St. Claire Hospital ang biktima ngunit patay na ito nang idating doon.

Natagpuan ang biktima ng kanyang kinakasama na 27-anyos na lalaki at computer programmer sa kanilang silid alas 6:55 ng umaga. Ayon sa lalaki pagkagising niya ay nakita na lamang niya ang kanyang kapareha na nakabitin. — Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.