Rider patay sa ‘karera’

Bandera (Visayas) - - NEWS -

NASAWI ang isang rider matapos umanong makipagkarerahan sa isang motorsiklo at Pajero kamakalawa sa Parañaque City.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si El Ronnie Lim, 28, dahil sa tindi ng pinsalang natamo nito mula sa insidente na naganap alas-5:30 ng umaga sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue, Brgy. BF Homes, Parañaque City.

Nabatid na nag-overtake si Lim sa motorsiklong kanyang kasabay at isang Pajero.

Dahil dito, gumanti ang Pajero ang nag-overtake naman sa dalawang motor, dahilan upang mahagip nito si Lim. Nahagip naman ni Lim ang isang motorsiklo.

Tumilapon si Lim ng ilang metro ang layo. Hindi naplakahan ang motor at Pajero. — Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.