Presyo ng langis taas na naman

Bandera (Visayas) - - NEWS - — Radyo

HINDI napigil ng nagpapatuloy na 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang panibago na namang dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ng Department of Energy na ilang mga kumpanya ng langis ang magpapatupad ngayong araw ng dagdag singil sa mga produktong petrolyo.

Nananatili umanong malikot ang presyo ng mga petroleum products sa world market ayon sa pagmomonitor ng DOE.

Umaabot sa 95 sentimo ang magiging dagdag sa halaga ng gasolina kada litro, sa diesel ay 60 sentimo, habang 95 sentimo naman sa kada lito ng keosene samantalang P0.95 naman sa bawat litro ng gaas o kerosene.

Kabilang sa mga kumpanyang nag-aanunsyo na magpapatupad ng dagdag presyo simula alas-sais ng umaga ngayon ay ang Shell, Seaoil, Caltex, Jetti, Metro, PTT, Unioil, Pheonix Petroleum at Petron.

Noong nakalipas na linggo ay halos kahalintulad rin na halaga ang ipinataw na halaga ng ilang oil companies sa kanilang mga produkto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.