N

Bandera (Visayas) - - NEWS -

OONG nakaraang buwan, dalawang araw na sinuspinde ang klase at trabaho sa gobyerrno dahil sa tigil-pasada na inilunsad ng mga driver at operators ng mga pampasaherrong jeepney.

Ang sabi nila, gusto ng gobyerno na i-phaseout ang mga jeepney sa lansangan.

Paano na nga naman ang mga driver at operator niyan? Saan sila kukuha nang kanilang ikabubuhay ng kanilang pamilya.

Pero sabi ng gobyerno hindi aalisin ang jeepney, gagawin lang moderno ang kanilang hanay.

Napakatagal nang hari ng kalsada ang mga pampasaherong jeepney sa Pilipinas bagamat sa ngayon ay nakikipagkompitensya na sa kanila ang mga tricycle at bus.

Bago pa ang World War II, gumawa ng sasakyan ang Austin Motor Co., at tinawag nilang Jitney. Mas maikli ito kumpara sa nakagisnang pampasaherong jeepney ng kasalukuyang henerasyon at mas malapit ang itsura sa owner type jeep.

Ang pangalang jeep ay halaw sa “Eugene the Jeep” na isang karakter sa cartoon na Popeye.

Nang gamitin ng US

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.