JAMES WAGING BEST SOUTHEAST ASIAN ACT SA MTV EMA 2017 SA LONDON, UK

‘A Christmas Carol’ ng GlobeLive, 9Works para sa mga naulilang anak ng sundalong Pilipino

Bandera (Visayas) - - NEWS -

PARA sa mga Pinoy, ang Pasko ay isa sa mga pinakamasaya, pinakamaingay at pinakamakulay na okasyon sa buong taon. Naging tradisyon na rin para sa ilang pamilyang Pilipino ang mamasyal sa mismong araw ng Pasko, sa theme parks, karnabal at malls para mag-relax at maka-bonding ang family.

Ngayong Christmas 2017, may madaragdagan na naman sa mga mapapasyalan ang mga Pinoy. Mula unang araw ng Disyembre, itatanghal sa Globe Iconic Theater, BGC, ang isa sa mga klasikong kwentong-Pasko, ang "A Christmas Carol", isang musical play na kapupulutan ng aral hindi lang ng mga kabataan kundi ng lahat ng miyembro ng pamilya.

Hango sa panulat ni Charles Dickens, ang "A Christmas Carol" ay tungkol kay Ebenezer Scrooge, isang kuripot at maramot na tao. Galit siya sa Pasko, pero biglang nagbago ang kanyang pananaw dito nang bisitahin siya ng mga multo ng Christmas Past, Christmas Present at Christmas Future.

Ikalawang kolaborasyon na ito ng Globe LIVE at ng 9Works Theatricals. Ang makulay na produksyon ay ipinalabas na nila last year, at naka-attract ng maraming mga pamilya. Dahil dito, napagdesisyunan ng Globe at 9Works na itanghal muli ang sikat na musical.

Sa muling pagtatanghal ng "A Christmas Carol", may mga bagong tauhang idadagdag, tulad ni Franco Laurel, na gaganap sa papel na multo ng Christmas Past. Babalik din ang dating mga artista tulad ni Miguel Faustman na muling gaganap na Scrooge.

Layunin ng Globe LIVE ang maghatid ng tuwa at mga masayang bonding moments sa mga Globe customers at kanilang mga mahal sa buhay ngayong Pasko. Bukod dito, hangarin din ng Globe at 9Works Theatrical na ipalaganap ang pagmamahal sa sining ng teatro sa mga Pilipino.

Hinihikayat ni Joe Caliro, Globe Head for Creative Marketing and Multi-Media Services at executive producer ng "A Christmas Carol", ang mga pamilyang Pinoy na isama sa kanilang tradisyon sa Pasko ang panonood ng mga dula at musical dahil sa mga aral na mapupulot dito.

“It also teaches us the valuable lesson of giving, which is what the season is all about. With the successful musical presentation that we had last year, we wanted to offer our production as a new Filipino holiday tradition that families can enjoy,” ani Caliro.

Mas makabuluhan din ang "A Christmas Carol" ngayong taon dahil sa suporta ng Globe LIVE sa HERO Foundation sa pamamagitan ng “Wall of Miracles”. Ang “Wall of Miracles” ay makikita sa bawat palabas at inaanyayahan ang bawat manonood na magsabit ng Christmas ornaments na mabibili sa Globe ICONIC Theater.

Ang kubuuan ng kita kabilang ang karagdagang donasyon galing sa Globe LIVE ay mapupunta sa mga iskolar ng HERO Foundation, isang organisasyon na sumusuporta sa pag-aaral ng mga naulilang anak ng mga Pilipinong sundalo.

Ang "A Christmas Carol" ay itatanghal mula Dec. 7 to 10, 14 to 17, 21 to 22 and 25 to 27 sa Globe ICONIC Theater. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa HYPERLINK "http://glbe.co/acc-tix" \t "_blank" http://glbe.co/acc-tix. Si James Reid ang maswerteng nakapag-uwi ng much-coveted Best Southeast Asian Act sa katatapos lang na MTV European Music Awards 2017 na ginanap sa Wembley Stadium sa London, United Kingdom. Tinalo niya ang iba pang contenders mula sa iba’t ibang bahagi ng Southeast Asia tulad nina Faizal Tahir (Malaysia), Dam Vinh Hung (Vietnam), Isyana Sarasvati (Indonesia), Slot Machine (Thailand), The Sam Willows (Singapore) at Palitchoke Ayanapura (Thailand). Hindi man niya personal na natanggap ang award, abotlangit naman ang pasalamat ni James sa lahat ng sumuporta sa kanya. "Thank you, MTV for awarding me Best Southeast Asian Act. It is such an honor to be representing the Philippines. And with this recognition, I will keep on making music and bring the Philippines to the world stage. "At siyempre maraming, maraming salamat po sa lahat ng bumoto sa akin. JaDine fans, mahal ko kayo," sey ng boyfriend ni Nadine Lustre. – EAS

ANG CAST MEMBERS NG ‘A CHRISTMAS CAROL’‘ THE MUSICALE

JAMES REID

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.