6 at 7 ang mahiwaga

Bandera (Visayas) - - NEWS -

Dear David,

NAIS ko pong malaman ang mga mahiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Matagal nang may sakit ang asawa ko at naubos na ang aming ipon sa ospital. Ako'y driver lang malaking hardware pero maliit ang suweldo at ngayon ay baun na sa utang. Nanganganib din na matigil sa pag-aaral ang aking mga anak. Bigyan mo sana ako ng gabay sa pagunlad at ituro mo ang dapat kong gawin sa paglutas ng aking mga problema. Ipinanganak ako noong Oktubre 1, 1984. Kailan ba ako makakaahon sa problema? Ano ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng masusuwerteng kulay at numero na puwedeng tayaan sa 4-digit at lotto. EDMON NG BARANGAY MAGANIHAN, MARILOG, DAVAO CITY

Dear Edmon,

SIX (6) at seven (7) ang mga mahiwagang numero. Venus at Neptune ang buntala na kumokontrol sa iyong mahihiwagang numero. Nangangahulugan ito na madaling maantig ang iyong damdamin kaya't dapat magingat sa pakikipagrelasyon dahil maaari matangay ka lamang ng simbuyo ng damdamin at matuklasan mo sa bandang huli na naligaw ka ng landas.

Gayunman, sa kaagahan ng buhay, ay karaniwang magiging mapusok ang mga taong nagtataglay ng mahiwagang No. 6 hanggang sa katagalan at sa panahon ng maturity ay magaan na niyang nauutusan ang puso at emosyon—kung saan maaari mo na itong magamit tungo sa pagtatagumpay. Buenas ka sa larangan na may kaugnayan sa pag-akit ng atensiyon o emosyon tulad ng music industry, advertising at iba pang kahanay nito. Pero, higit kang uunlad kung mapapagitna ka sa mga kilalang tao o sa sirkulo ng mga may sinasabi sa lipunan. May naghihintay na magandang kapalaran sa taon 2021 at 2022 kung saan may isang malayong kamag-anak ang magkukusa na tumulong sa iyo. Buenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo, Hulyo, Oktubre at Nobyembre partikular sa mga petsang 2, 7, 15, 18, 20, 25 at 29 partikular kapag natatapat sa araw ng Lunes at Martes. Kulay berde at maroon ang buwenas mo. Sa 4-digit, isama mo sa No. 7 at No. 6 ang No. 1 at No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa 1-17-2228-30-34-37-40-42.

ASSET tips: 5-1-4/ 7-93/3-2-6/ 9-1-5/ Wiretips: 2-18/ 7-8-2/ 3-2-5/ 7-8-4. Double digit: 3-7/ 8-9/ 3-1/ 7-8. Luzon guide: 1-11-18-23-2530-34-37-40-42. VisMin: 111-19-23-27-34-39-40-42. MegaLotto: 1-5-11-18-23-2534-37-40-42. Grand Lotto: 48-18-23-24-34-35-40-46-5054. Four Number: 1-6-2-7/ 89-3-5/3-1-2-1/ 9-0-4-5.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.