Ika-5 sunod asam ng Foton kontra Petron

Bandera (Visayas) - - NEWS -

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Centre)

4:15 p.m. Victoria Sports-UST vs Sta. Lucia 7 p.m. Foton vs Petron

Team Standings: Foton (4-0); F2 Logistics (3-0); Petron (4-1); Cignal (2-3); Cocolife (2-3); Generika-Ayala (2-3); Iriga City (1-3); Victoria Sports-UST (0-2); Sta. Lucia (0-3) INAASAHANG masasaksihan muli ang matinding labanan sa paghaharap ng hindi pa natatalo na Foton Tornadoes kontra Petron Blaze Spikers sa tampok na laro ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Una munang magsasagupa ang kapwa wala pang panalo na Victoria Sports-UST at Sta. Lucia Realty alas-4:15 ng hapon bago ang tampok na salpukan ng Foton at Petron sa alas-7 ng gabi.

Ang Foton at Petron ay kabilang sa mga koponang inaasahang makakapag-uwi sa titulo ng torneo.

Ang dalawang koponan ay naging matinding magkaribal matapos na magharap para sa korona sa nakalipas na dalawang taon kung saan nagawang magwagi ng Tornadoes.

Gayunman, ang dating import ng Foton na dating Most Valuable Player na si Lindsay Stalzer ay lumipat na sa kalaban sa pagsama sa Petron kasama ang kapwa Amerikana na si Hillary Hurley at Japanese Yuri Fukuda. — Angelito Oredo

CHESS CHAMPION. Ipinakita ni Antonella Racasa (kaliwa) ang kanyang tropeo habang kasama si tournament director National Master Ronald Llavanes matapos magwagi sa under-12 age group division ng 2000 below mixed boys and girls Pampanga Chess Challenge nitong weekend. Sumabak si Racasa sa torneo bilang tuneup para sa Asean Age Group International Chess Championship na gaganapin sa Pahang, Malaysia simula Nobyembre 24.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.