Jessy-Luis vs Angel-Neil: patalbugan sa kaswitan

Jessy-Luis vs Angel-Neil: patalbugan sa kaswitan Karnal, Moral, Langis At Tubig, Asedillo, Tag Ulan Tag Araw tampok sa 13th Cinema One Originals FilmFest

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

HINDI na napigilan nina Pauleen Luna at Angel Locsin na pumatol sa kanilang bashers dahil sa pag-epal ng mga ito sa pribado nilang mga buhay. Niresbakan talaga ni Poleng ang isang netizen na nang-iintriga sa kanila ng mga anak ni Vic Sotto. Idinamay pa kasi nito ang bagong silang na anak nila ni Bossing na si Baby Talitha Maria.

Sa comment section ng Instagram ni Pauleen kung saan ipinost niya ang litrato nila ng anak at ibinalitang nakauwi na sila ng bahay, nagpost ang netizen na si @ruffapips19 ng, “Bakit hndi yata dinadalaw ng mga ibang anak ni bossing? Im sure their jealous!” Sagot naman ni Pauleen, “Sino naman nagsabi sayong hindi nila dinalaw kapatid nila?” Ang iba pang anak ni Vic ay sina Danica at Oyo (kay Dina Bonnevie), Vico (kay Coney Reyes )at Paulina (kay former actress Angela Luz).

At bilang patunay na hindi totoo ang sinasabi ng basher, nag-post sa Instagram si Oyo ng photo kung saan makikita ang pagdalaw sa kanilang kapatid. Kasama pa nga ni Oyo ang asawang si Kristine Hermosa.

Dahil dito, na-bash nang todo ang hater ni Pauleen.

Binuweltahan naman ni Angel Locsin ang isang netizen na ayaw tumigil sa pang-iintriga sa kanila ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano at sa girlfriend nito ngayong si Jessy Mendiola.

Sa comments thread ng larawan ni Angel at ng rumored boyfriend niyang producer na si Neil Arce ,sa Instagram, nambasag ang isang follower niya.

Sabi ng Instagram user na gumagamit ng handle name na @annecurtis_4_fhm200, “PWEDE BANG PAG SABIHAN MO ANG FANTARDS MO TO STOP THE HATE AGAINST JESSY!! DIBA NAKA 'MOVE O' KA NA? YUNG GINAGAWA SAYO NG KN TARDS MADALAS GAWIN NG BULLY MONG FANS AGAINST LIZA AND JESSY!! WALK THE TALK!”

Ang resbak naman ni Angel sa netizen, “Ang sad lang na kelangan mo pang gamitin si anne para sa agenda mo. Move on na tayo girl!”

Hindi na sinagot ni Angel ang reply ng basher na nagsabing, “I hope you’re really moved on from @luckymanzano because obviously your bully fans are not.”

Samantala, ilang netizens naman ang nagsabi patalbugan sa kaswitan ang IG photos nina Angel at Neil at nina Jessy at Luis habang nasa New Zealand. Dumalo ang dalawang magdyowa sa kasal nina Anne Curtis at Er-

wan Heussaff.

Nasa pahinang ito ang ilan sa mga litrato at kayo na ang bahalang humusga kung sino sa dalawang pares ang mas sweet at mas nakakakilig! Para sa lahat ng nagtatanong kung anu-anong classic films ang mapapanood sa 13th Cinema One Originals Film Festival na nagsimula na last Nov. 13, narito ang kumpletong listahan para inyong mapagpilian.

Ang mga restored classics na tampok ngayong taon sa C1 Originals filmfest ay ang mga

sumusunod: Marilou Diaz Abaya’s “Moral,” Jeffrey Sonora’s “Asedillo,” ang obra ni Celso

Ad Castillo na “Tag Ulan Tag Araw” at ang pelikula ni Danny

Zialcita na “Langis At Tubig.” Nandiyan rin ang restored versions ng Danny Zialcita’s classic film na “Karma,” “Karnal” ni Abaya at ang “Cain at Abel” ni Lino Brocka.

Mapapanood din ang documentary ni

Sari Dalena tungkol kay Ishmael Bernal, titled “Ishma.” Kasabay nito ang launching ng bagong Ishmael Bernal book na “ProBernal Anti Bio,” na isinulat mismo ni Bernal kasama sina Jorge Ayago and Angela Stuart-Santiago.

Ang mga entries sa 2017 Cinema One Originals filmfest ay tatagal hanggang Nov. 21 sa mga sinehan kabilang na ang Trinoma, Glorietta, Gateway, UP Cine Adarna, Cinema 76 at Cinematheque. May extended run din ito mula Nov. 22-28 sa Power Plant Mall.

Para sa schedule ng mga palabas, bumisita lang sa official website ng Cinema One Originals at sa mga participating theaters.

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

PAULEEN LUNA AT BABY TALITHA MARIA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.