Next target ni Winwyn... Miss Universe crown?

Next target ni Winwyn...Miss Universe crown?

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY JUN NARDO

TODO ang pagsisisi ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas nang maging pasaway noong nakaraang birthday niya last Nov. 11.

Kinain kasi niya ang regalong junk food at tinikman ang pagkaing hindi niya kinakain ng two years dahil organic na ang lagi niyang nilalafang.

Naghuhumiyaw sa Instagram post ni Ai Ai ang mensaheng, "BIGGEST LESSON LEARNED AFTER NOONG BDAY KO.

“For two years organic ako and sa sobrang excitement ko matikman ang mga dati kong kinakain post ko pa dito lahat ng junk food na kinain ko.

“Then parang ok lang until kagabi eto na naramdaman ko na napakasakit ng tyan ko and lahat ng sign for gluten free intolerance na mararamdaman mo super check...panghihina, migraine, diarrehea, bloat and gas sa stomach – akala ko mamamatay na akiz sa hirap. "So sa mga gluten free intolerance wag niyo na i-attempt lahat ng ginawa ko...dapat may storycon kami di ko kaya sa sobrang panghihina at worse may LAGNAT AKO...Kaloka #backtoorganic #ayokonatalagakahitbdayko # healthiswealth,” caption ni Ai Ai. Dahil sa nangyari, super behave na si Ai Ai na laging may sariling baon na pagkain tuwing may trabaho siya. Ang bagong series ni Ai Ai ang tinutukoy niyang storycon sana niya sa GMA 7 at kung hindi kami nagkakamali, ito ang rin ang reunion project nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Get well soon, Ai Ai!

Tumanaw ng utang na loob si Winwyn Marquez sa press, bloggers at iba pa nang bigyan siya ng welcome presscon ni Arnold Vegafra last Monday para sa pagkapanalo niya bilang 2017 Reina Hispanoamericana na ginanap sa Santa Cruz, Bolivia.

“I’m happy to be here wearing the crown para sa Pilipinas! Para rin sa inyong lahat ito!” panimula ng dalaga.

Isiniwalat ni Wyn ang nasa utak niya nu’ng dalawa na lang sila ni Miss Curacao sa stage.

“I was just praying in my head. I was happy, I was satisfied. Whateve happens, if Curacao wins, okay lang sa akin dahil I never thought I would go that far. Nang tinawag na ang pan galan ko, wala na. was just...wow! It’s des tiny. God has a pur pose,” kuwento ng bago nating Reina Hispanoamericano.

Gusto niyang palawakin ang His panic culture sa bansa natin. Nakatakda siyang magpa-tu tor ng Spanish sa susunod na ling go.

Nais niyang magpasalamat kay Mayor Edwin Olivares ng Parañaque City dahil ito ang nag padala sa kanyang Tita Aileen a kapatid na si Yeoj sa Bolivia.

“Para may dalawang Pinoy na papalakpak sa akin habang ru

sa stage. Sa totoo lang sa unang presentations sila lang ang pumapalakpak! Ha! Ha! Ha! So imagine how hard and I was grateful kay Ate Aileen, for my brother and Mayor Edwin na sumuporta sa akin. Kaya may parade ako sa Parañaque sa 28th,” saad pa ni Wyn.

Gagamitin na rin daw ngayon ni Wyn ang pangalan niyang Teresita ayon na rin sa suggestion ni Arnold dahil nu’ng hinahanap ng ilang taga-Bolivia sa Instagram ang name niyang Teresita, hindi nila ito makita.

“Nang sinabi kong it’s Wynwin Marquez, sabi nila ‘Who’s Wywin?’ That’s my nickname. I think it’s also a good idea na ipakilala ang totoong pangalan ko,” aniya. Tinanong din ang Kapuso beauty queenactress kung may balak pa siyang sumali ito sa Bb. Pilipinas para naman targetin ang Miss Universe? "Iyon nga ang sinasabi nila sa akin, jump point ito. Pero hindi na siguro, happy na ako with this crown," tugon ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez. Tuloy pa rin si Wyn sa showbiz career niya at ang hihintayin na lang natin ay kung kailan naman ang kasal nila ng kanyang boyfriend na si Mark Herras.

WINWYN MARQUEZ

AI AI DELAS ALAS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.