Braso ng bebot putol sa MRT

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - —Liza Soriano

NAPUTOL ang kanang braso ng isang babae matapos mahilo at mahulog siya sa riles ng MRT 3 sa Ayala station sa Makati kahapon.

Isinugod sa Makati Medical Center si Angeline Fernando, 24, ng Pasay City.

Lumabas sa ulat na naghihintay si Fernando sa northbound platform ng istasyon alas-2:30 nang mahilo at bumagsak sa pagitan ng ikalawa at ikatlong bagon ng papaalis na tren.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez na sumabit ang braso ng biktima sa coupler ng train na nagdudugtong sa una at ikalawang bagon.

Idinagdag ni Chavez na kokonti lamang ang mga pasahero nang maganap ang insidente.

Aniya, inaalam pa kung sino ang dapat managot sa pangyayari.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.