Sa ngalan ng panginoon (1)

TOTOO O KWENTONG BARBERO

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - Ni Leifbilly Begas

SA ngalan ng Diyos ay maraming bagay ang kayang gawin ng tao.

Kaya minsan ay mapaiisip ka kung para sa Diyos nga ba ang kanilang ginagawa dahil sa pagiging brutal nito.

Ayon sa isinulat ni Dustin Koski sa TopTenz, mayroong mga seremonya na hindi lang brutal kundi nakakatakot pa.

Anit

Mayroong mga relihiyon o sekta na bahagi ng kanilang pagsamba ang pagsayaw.

Ang mga katutubong Apache ay mayroong tradisyon na tanggalin ang anit (scalp) ng kanilang kalaban.

Mayroong ding mga seremonya na ganito ang ginagawa pagkatapos ng isang gera.

Pero mayroon silang mga panuntunan na sinusunod. Hindi nila aalisin ang anit ng kanilang kalaban kung maraming nasawi sa nanalong tribo o kung nasugatan ang kanilang lider sa pakikipaglaban.

Ang anit ng kalaban ay ibinibigay sa mga babae para iparada o para kaladkarin sa lupa.

Kung mayroong mga nagdadalamhating balo, anit ay kanilang gagamitin na pamunas ng kanilang luha na parang tissue paper.

Magalang na pagpatay

Bagamat ang mga Mongol ay iniuugnay sa walang kabuluhang pagpatay, mayroon silang itinuturing na magalang na pagpatay na para sa mga taong may mataas na estado sa lipunan.

Pero mas malupit pa ito kesa sa pagpugot.

Ibinabalot nila ng tela ang tao pagkatapos ay kanilang babagsakan ng malalaking bato o ipakakaladkad sa mga kabayo.

Sinisiguro nila na hinang di tutulo sa lupa ang dugo ng kanilang papatayin na mula sa dugong bughaw dahil sa paniniwala na kung papatak ito sa lupa magagalit ang kanilang diyos.

Isa sa mga pinatay sa ganitong paraan ang Caliph ng Baghdad noong 1258. Sa kanyang pagkamatay ay gumuho ang Islamic power structure sa Middle East at naging madugo ang labanan ng mga naging sanga ng Muslim.

Mukha sinaksak

Ang paglilinis ng katawan sa pamamagitan ng boluntaryong pananakit sa sarili ay talamak sa maraming relihiyon sa mundo.

Hindi malilimutan ang nangyari sa Phucket, Thailand sa pagdiriwang ng vegetarian festival na tumagal ng siyam na araw.

Libo-libong tao ang lumabas sa kalsada at sinasaksak ang kanilang mukha ng kutsilyo at iba’t ibang matatalas na bagay.

Umabot sa 100,000 ang nanood sa ginagawa nilang ito.

Pero mukhang natakpan ang vegetarian message nila sa kanilang madugong ginawa.

Sparagmos

Mayroong mga duda kung totoo ang ritwal na ito pero mukhang wala nang gumagawa nito ngayon.

Ang Sparagmos ay salitang Griyego na ang ibig sabihin ay hatiin.

Ginagawa umano ito sa seremonya bilang simbolo ng kamatayan at muling pagkabuhay ng Greek god na si Diony- sus.

Si baby Dionysus ay sinasabing hinati ng mga Titans.

Ang paghati ng bata ay ginawa umano sa mga seremonya noon. Ayon sa mga babasahin, noong 276 BC ay tatlong batang Persian ang hinati.

Bukod sa bata, ginagamit din sa seremonya ang mga toro at kambing bilang simbolo.

Agoge

Ang Agoge ay isang ritwal sa Sparta, isang sinaunang siyudad sa Greece.

Pero hindi katulad ng pelikulang 300, ang mga kabataang lalaki ay hindi pinaglalakbay dala ang balabal at sibat para pumatay ng mga mababangis na hayop upang mapatunayan na karapatdapat sila sa kanilang lipunan.

Ang mga lalaki na sumasailalim sa Agoge ay pinaglalakbay upang magbantay sa mga kalaban.

Ipinapapatay din sa kanila ang mga alipin upang maipakita ang katatagan ng kanilang loob.

Itutuloy

ANIT

AGOGE

MUKHA SINAKSAK

MAGALANG NA PAGPATAY

SPARAGMOS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.