Nagmura kulong

Bandera (Visayas) - - NEWS -

DINAKIP ang lalaki matapos umano nitong pagmumurahin ang mga pulis at tanod na hinahanap ang lalaking itinawag sa kanila dahil sa panggugulo sa Quezon City.

Dinala si Arnold Cuysona, 25, technician, at ng Brgy. Bagong Silangan, sa Batasan Police station. Nakatanggap ng tawag ang pulisya kaugnay sa panggugulo umano ng isang JV sa lugar.

Pagdating ng mga rumespondeng pulis at tanod sa lugar ay hinarang umano sila ni Cuysona at tinanong kung ano ang kanilang pakay.

Pinagmumura pa umano ng suspek ang pulis at tanod kaya hindi na nahanap ng mga si JV. —Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.