3 graft vs Echiverri

Bandera (Visayas) - - NEWS - —Leifbilly Begas

TATLONG magkakahiwalay na kaso ng graft ang isinampa sa Sandiganbayan laban kay dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri kaugnay sa maanomalya umanong paggamit ng pondo ng siyudad.

Maliban kay Echiverri, kinasuhan din sina City Accountant Edna Centeno at Budget Officer Jesusa Cruz Garcia ng graft kaugnay sa P16.4 milyong ibinayad sa PB Grey para sa pagsasaayos ng kalsada at drainage sa sa Azalea at Sto. Nino sts., sa Brgy. 177 noong 2011.

Wala umanong ordinansa na ipinasa ang konseho para pondohan ang naturang proyekto, na ipinagbabawal ng batas.

Ganito rin umano ang sitwasyon nang bayaran ng siyudad ang Red Scorpion Construction and Supply para sa pagpapagawa ng drainage sa Hizon st., Brgy. 64 noong Marso 2013.

Nagkakahalaga ng P860,450.42 ang ibinayad sa RSCS kahit walng nakalaang budget para rito ng siyudad.

Wala ring pondong inilaan ang siyudad para sa pagbabayad ng premium sa Beneficial Life Insurance Co., Inc., na nagkakahalaga ng P34.3 milyon.

Ang insurance ay para sa insurance ng mga barangay disaster volunteer noong 2013.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.