Chairman binoga

Bandera (Visayas) - - NEWS - —John Roson

KRITIKAL ang barangay chairman nang pagbabarilin ng mga armado sa harap ng kanyang pamilya sa Iligan City, Lunes ng gabi, ayon sa pulisya.

Nagtamo si Alzuhry Dipatuan, chairman ng Brgy. Dipatuan sa bayan ng Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur, ng dalawang tama ng bala sa dibdib at isa sa kaliwang braso.

Naganap ang insidente alas-8, sa tapat ng isang restaurant sa Gregorio T. Lluch st., Brgy. Pala-o, Iligan.

Sakay si Dipatuan at kanyang pamilya ng Toyota Fortuner (ADO-7257) nang pagbabarilin ng mga armado ang chairman, na noon ay nasa driver's seat.

Tinitingnan ang "rido" bilang isa sa mga posibleng motibo sa pamamaril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.