Brgy. chair itinumba

Bandera (Visayas) - - NEWS - —John Roson

NASAWI ang barangay chairman nang barilin ng di pa kilalang salarin sa kanyang bahay sa Lucena City, Quezon, kahapon ng umaga.

Ikinasawi ni Eduardo Berina, 50, residente at chairman ng Brgy. Ilayang Iyam, ang tama ng bala sa ulo.

Naganap ang pamamaril sa bahay ni Berina sa Amethyst st., alas-6:45, habang papalabas ito ng bahay.

Inaalam pa ang pagkakakilan, kinaroroonan, at motibo ng salarin habang isinusulat ang istoryang ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.