Karapatan ng migrant worker may hangganan ba?

Bandera (Visayas) - - NEWS -

bansa na miyembro ng ASEAN. Para sa Singapore at Malaysia, security threat ang mga illegal migrant workers. Ngunit para sa bansang Pilipinas at Indonesia, usapin ‘anya ito ng human rights o karapatang pang-tao.

Posible ngang maging banta sa seguridad ang ilegal na mga nanatilli sa kanilang mga bansa. Ang kanilang legal na mga dokumento na siyang pangunahing pagkakakilanlan ng pagiging isang mabuting mamamayan ay patunay lamang na protektado siya ng kaniyang mga karapatan.

Law abiding citizens ang tawag sa kanila. Kapag sumusunod sa batas, hindi nga naman sila papayag na maging ilegal. Kahit anong mangyari, uuwi sila sa sariling bayan dahil mas paiiralin nila ang pagtataglay ng mabuting budhi kaysa sa baluktot na pangangatuwirang “bahala na” dahil gipit at nangangailangan.

Kung magiging usapin naman ito ng karapatang pangtao, disin sana’y ganito na rin ang magiging katuwiran ng nakararaming mga nandarayuhan, hindi lamang mga Pilipino, at sasabihin nilang karapatan nila iyon bilang tao kahit ilegal na sila sa bansang kinaroroonan.

May kani-kaniyang dalahin at responsibilidad ang bawat indibidwal, anuman ang kaniyang lahi. At isa na nga rito ang pagiging masunurin sa batas.

Ang pagsunod sa mga batas na ito ang siyang nagbibigay ng karapatan sa tao na ilaban niya iyon dahil nasa katuwiran siya!

Gayunpaman, magandang balita ang kasunduang ito dahil magiging maayos ang pagtrato sa kanila tulad din ng kanilang sariling mamamayan. May patas at tamang mga labor contracts, labor standards at mabibigyan ng kinatawan pagdating sa mga usaping legal kung ito’y hindi nasusunod o kaya’y naaabuso.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streami n g : w w w . u stream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW Email: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.